Chapter 11

238 14 0
                                    

❃❃❃

EFREN POV

"So kailan kayo magsisimula?" Tanong ni Kian habang umiinom nang nasa boteng softdrink.

Nandito kami sa labas at lumalanghap ng sariwang hangin dahil nakakasawa naman sa loob ng kwarto.

"Next next week I think, 'cause its their vacation" sagot ko at sumipsip sa straw.

"Naks alam niya–"

"Correction, she said it to me" putol ko sa sasabihin niya.

"Ate Bejay!" Rinig nameng sigaw ng mga bata kaya napatingin kami sa kabilang kalsada.

At nakita ko naman si Bejay na kumakaway sa mga bata habang nakangiti, kaya napangiti ako ng bahagya. Nakakahawa ang ngiti niya ehh.

KIAN POV

Napatingin naman ako kay Efren saka kay Bejay ulit. Naks! Hahahahahahaha eto mukhang natamaan na 'tong kaibigan ko kay Bejay ehh hindi lang umaamin.

"Hoy! Ano?" Agaw ko sa atensyon niya.

"What?" Kunot noo niyang sabi.

"Kuya! Laro po ulit tayo!" Biglang lapit nung isang bata na tumawag kay Bejay kanina. "Nanjan din po si ate, tara laro po ulit tayo" pamimilit nng bata.

Napangisi naman ako at pinag cross ang mga braso sa dibdib ko at tinignan si Eften, tinignan niya naman ako at kinunutan ng noo at parang sinasabi na 'what are you looking at'

"Nakalaro niyo na 'to?" Tanong ko sa batang lalake at pumantay sakanya.

"Opo sasali po kayo?"

"Hahahaha oo naman, kasama din ba si Ate Bejay niyo nung nakalaro niyo 'to?" Tanong ko ulit habang nakaturo kay Efren.

"Kian" sabi niya na parang binabantaan na ang buhay ko.

"Opo! Muntik na nga po matumba noon si ate buti na lang po nasalo niya at–"

"Ok that's enough. We can't play with you today hmm" sabi niya kaya lalo naman akong napangisi. "What?" Inis niyang sabi saaken ng lingunin niya ako.

"Hindi niya naintindihan yung sinabi mo, magtagalog ka" nakangisi kong sabi.

Inirapan niya naman ako bago tumingin ulit sa bata.

"Hindi kami makipaglaro sainyo ngayon, may importanteng gagawin si kuya hmm" nakangiti at malumanay niyang sabi kaya napa 'woah' naman yung bibig ko.

Swear! Hindi siya ganyan sa mga bata, he's rude at ayaw na niya talaga sa mga bata at kapag lalapitan siya ng mga bata sasabihin niya.

"Get out of my sight"

O hindi kaya.

"I don't entertain a brat like you"

Tapos yung bata naman iiyak na lang ng sobrang lakas pero hinahayaan at iniiwan niya lang. Ang sama ng ugali diba?

"Sige po" nakangiting sabi naman nung bata saka tumakbo pabalik doon sa mga kalaro niya.

"Hahahaha maganda ba talaga simoy ng hangin dito? Mukhang tinangay ng hangin yung pagka salbahe mo ahh" biro ko sakanya.

"What's your problem Kian, huh?" Pikon niyang sabi.

"Wala, wala naman hahaha so pwede ba akong pumasok sa shop na 'yon?" Sabi ko at tinuro yung shop na pinasukan ni Bejay.

My Probinsyana Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon