Chapter 41

88 4 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

Dumaan naman ang isang linggo at sunod-sunod na vlog naman ang ginawa namen pero dito lang din malapit kami pumupunta. At panay rin ang paglalambing saaken ni Efren ngayon dahil nagalit ako sakanya nung pinagdiskitahan niya yung paborito kong staff toy, pati na rin sa dalawa kong kapatid.

Aba'y pagtulungan ba naman ako. Kaya hanggang ngayon hindi ko sila pinapansin, tatlong araw na din simula ng pagpasa-pasahan nila yung staff toy ko hanggang sa masira. Ehh napakahalaga talaga nun saaken ehh, simula pagkabata 'yon na yung hindi ko pinagsasawaang itabi sa kama ko.

At madalas ko na din nakikita si Nico sa hotel namen at minsan pa nga kaming nag-uusap, ang gaan niyang kausap at naipaliwanag niya din saaken kung bakit niya ako gusto makita nung araw na 'yon.

*Flashback*

"Uhm hahaha I'm sorry if natakot kita nung sinabi ko 'yon, I'm just... paano ko ba sasabihin 'to? Parang fan mo na din ako hahahaha" sabi niya habang magkalayo kaming nagkaupo sa bench.

Hindi talaga siya lumapit saaken kasi ayaw niya daw na maging awkward ang usapan namen kasi baka raw hindi ako komportable sakanya.

"Totoo? Hahahahaha bakit naman?" Hindi makapaniwala kong sabi.

"Uhm... the way you talk, the way you treat Efren and your friends. The way na sobrang napakamasayahin mo at sobrang natutuwa ako sa 'yo tuwing nakikita ko ang mga vlog ninyo, you're just so simple and so true on yourself and I love that" sabi niya kaya tumawa ako ng mahina.

"So crush mo ako?" Biro ko.

Kapal ng face ko ehh.

"Slight" sagot niya kaya natigilan ako.

"Seryoso ka!?" Gulat kong sabi at napahawak pa sa bibig ko.

"Yah hahahaha why?"

"Hoy gagi! Sikat na sikat kang tao ohh tapos may crush ka saaken?" Gulat kong sabi.

"What's wrong with that? I'm just admiring you and yah I like you but hindi na ako makikipag agawan pa kay Efren" sabi niya at doon na ako tuluyang natigilan. "Don't worry hindi kita aagawin sakanya hahahaha I know naman na something's going between you two. Kaya if ever man na paiyakin ka niya don't hesitate to call me ako na bahala sakanya" sabi niya pa kaya natawa na lang ulit ako.

"Confession ba 'to? Hahahahahaha ano ba 'yan kakaamin mo lang, ni hindi ko nga naramdam na crush mo pala ako hahaha charing! Ang kapal ng mukha hahahaha" natatawa kong sabi. "Pero thank you" sabi ko.

"For what?" Tanong niya.

"For having a crush on me pft hahahaha di biro lang" sabi ko sabay hampas sa balikat niya.

*End of Flashback*

Kaya eto simula ng sabihin niya 'yon siya ang kasama ko ngayon imbis na si Efren, nag-text kasi ako sakanya pero hindi man lang ako nireplyan. Ako na nga 'tong nag-f-first move tch.

"Hindi ko pa nakikita yung video niyo na kinwento mo saaken" sabi niya patungkol doon sa staff toy ko na nasira.

"Wala pa?" Nagtataka kong tanong at dinungaw yung phone niya.

Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa shop dahil inutusan ako ng magaling kong kuya na bumili ng mga gagamitin niya sa pagluluto mamaya. Nagkasalubong lang talaga kami netong si Nico sa shop at sumama na lang siya kasi wala naman daw siyang ginagawa.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now