Chapter 29

136 13 0
                                    

Dedicated to Geronaxx Ur_MaidenAccrominct

❃❃❃

EFREN POV

Nasagot ko na naman lahat ng tanong ni Sanshin at heto nakaupo lang kaming tatlo dito sa sala habang hawak ang kanya-kanya nameng cellphone.

"Hoy Ren hindi ka gagawa ng video ngayon?" Biglang tanong saaken ni Kian kaya kinunutan ko namam siya ng noo.

"Hindi. Kita mo nang may sakit si Bejay ehh" sabi ko.

"Hindi! Kami ang desisyon ngayon, kami kukuha ng video tignan lang naten kung paano mag-alaga nang may sakit ang isang Efren Lleva" sabat naman ni Sanshin bago nilapag ang phone sa lamesa.

"Ang kulit niyo ano? Hindi na nga muna, ano, mag vi-video ako ng wala si Bejay?" Sabi ko.

"Hindi nga kasi, ang gusto namen makita kang mag-alaga ng may sakit. Ehh hindi naman magsasalita si Bejay duh tsaka utak ba nasaan? Kasama mo si Bejay sa vlog, aalagaan mo nga diba?" Sarkastikong sabi ni Sanshin kaya napakamot ako ng ulo.

Ang sarap nilang dalawa pag-umupugin ang ulo.

"Tch ewan ko sainyong dalawa" sabi ko at tumayo para sana puntahan si Bejay kaso lang nagulat ako nang pagharap ko sa may hagdanan nakita kong pababa na si Bejay habang nakapalibot sa katawan niya ang kumot niya kaya dali-dali akong napalapit sakanya at inalalayan siya pababa.

"Anong oras na?" Nanghihina niyang tanong saka kumapit sa kamay ko.

"Bakit ka bumaba? Bakit hindi mo na lang ako tinawag? Bumaba ka pa talaga." Nag-aalala kong tanong.

"Ehh sa nababagot na ako sa kwarto, tsaka hindi naman pwedeng nakahiga lang ako doon edi mas lalong hindi ako gagaling neto" sabi niya.

Tumingin naman ako kina Kian at nakatingin lang silang dalawa saamen kaya hindi ko na lang sila pinansin at inalalayan si Bejay humiga sa sofa.

"Anong ginagawa niyo?" Tanong ni Bejay pag-upo at binalot ang katawan niya ng kumot.

"Ghorl nilalamig ka?" Tanong ni Sanshin.

"Ayy hindi ba obvious?" Sarkastiko namang sagot ni Bejay kaya natawa ako at naupo na din sa may paanan niya.

"Bakla ka! Hindi ka pa rin talaga nagbabago" hampas niya sa braso ni Bejay kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Eto naman napaka OA, hinampas ko lang hindi naman mawawalan 'yan ng buto sa katawan tch" mataray niyang sabi saaken.

"Bejay, gusto mo nang makakain?" Tanong naman ni Kian kay Bejay.

"Bakit a-apply ka bang pagkain ko?" Sagot ulit ni Bejay kaya natawa ulit ako pero mukhang hindi na gets ni Kian kaya natatawang binatukan siya ni Sanshin.

"Bwahahahahahahaha jusko ang hina mo naman umintindi, pero ayos lang 'yan at least–"

"Crush ka ni Sanshin" patuloy ni  Bejay sa sasabihin ni Sanshin kaya mas tumawa ako at pinigilan si Sanshin nang lalapitan niya sana si Bejay.

"Hoy girl 'yang bibig mo ha! Ang bad" nagtatampo kunware niyang sabi.

"Hahahahahahaha ikaw ahh may crush ka pala saaken yieeee" asar naman sakanya ni Kian.

"Ewan ko sainyo! Bakla gusto mo ng lugaw? Mag memeryenda na ohh" pag-iiba niya ng usapan pero tumawa lang si Bejay kaya dumiretso naman si Sanshin palabas.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now