Chapter 24

175 15 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

"So ayun na nga mga lods pft hahaha mukhang nakahalata na si Ren Ren na naiinis na ako sakanya" pabulong kong sabi habang naglalakad kami sa pamilyar na lugar.

"Hahahaha ate mukhang ma de-depress si kuya kakaisip kung paano ka susuyuin" bulong din ni Czar.

Katabi ko lang siya at nauuna sina Efren saamen. Kanina kasi hahahahaha bigla kong naisipan na makita kung paano manuyo ang isang Efren Lleva at gusto ko rin pag tripan ang isang 'yon, makabawi lang sa pinag-gagawa niya saaken kanina.

"Ate! Tawag ka po ni kuya!" Biglang tawag saaken ni Jellian saka ako kinindatan.

Alam nilang lahat yung gagawin ko kasi bago kami kanina lumabas ng kotse doon sa harap ng mall naisabi ko na sakanila, nauna kasi non lumabas si Efren.

"Anjan na" sabi ko at ibinalik ang mukha kong nakabusagot at pasimple naman akong kinukuhanan ni Kian ng video.

Habang naglalakad napakunot naman ang noo ko ng unti-unti ko na ngang makilala ang lugar na 'to.

"Bakit nandito tayo?" Masungit kunware kong sabi sakanya ng tumabi ako kay Efren.

"Galit ka ba saaken?" Tanong niya kaya tinignan ko siya.

Natatawa na talaga ako pero pinipigilan ko lang kasi baka mabuko ako.

"Ano sa tingin mo? Para ka naman kasing ano" sabi ko sabay irap. "Alam mo ba kung anong lugar 'to ha, ha?" Tanong ko sakanya.

"Uhmmm... it's a shop? Kung saan pwede kang mag kape habang nagrerelax?" Sabi niya kaya tinaasan ko naman siya ng kilay.

Dumaan naman sa gilid ko si Kian at pati ako hindi ko na makita kung saan niya itinago ang camera. 

"B-bakit?" Utal niyang tanong.

"Pakibasa ng nakalagay sa sign" sabi ko at itinuro yung sign malapit sa may pintuan.

"Marcellana's coffee shop" sabi niya kaya nanlaki naman ang mata niyang tumingin ulit saaken. "S-s-so sainyo rin 'to?" Tanong niya.

"Bakit gulat na gulat ka? Duh negosyante sina mama. Lika na nga" sabi ko at humawak naman si Czar sa braso ko at sabay kaming pumasok.

"Hahahahaha kanina pa talaga ako natatawa sa mukha ni kuya, psh wala naman pala siyang laban sa 'yo ehh." Sabi ni Czar saaken. "Kadalasan kasi ate kapag may naiinis o nagagalit sakanya like kaibigan niya or kung sinong malapit sakanya hindi niya rin pinapansin. Hinagayaan niya lang, hindi gaya ngayon hahaha" kwento niya kaya tumawa din ako.

"Takot lang niya saaken, ayaw masuntok ehh hahahaha joke" sabi ko.

"Good afternoon, Ma'am Bejay" bati saaken ng isa sa mga staff dito.

"Good afternoon! Kumusta naman?" Nakangiti kong tanong.

"Maayos naman ho ma'am, ang ganda niyo pa rin ho talaga" sabi niya.

"Aysos nambola ka pa. Pero haha syempre kailangan maganda palagi para–" naputol ko naman ang sasabihin ko ng bigla na lang dumaan si Efren sa gitna namen ni Czar. "Hoy! Napakasalbahe neto" sabi ko sakanya pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.

"Ashkfjcbeodhfs" rinig kong bulong ni Czar pero hindi ko naman narinig.

"Ano 'yon?" Tanong ko sakanya.

"Ahh wala ate hahaha" sabi niya kaya tumango lang ako.

"May mga tao ba doon sa labas?" Tanong ko dito sa lalakeng staff namen.

My Probinsyana Enemy जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें