Chapter 9

241 21 0
                                    

❃❃❃

BEJAY POV

"Ate, upo ka jan dali" sabi ni Rainer at tinuro ang isang puno na sobrang ganda at lago ng mga dahon.

"Dito? Baka may kapre dito pagdiskitahan ako" sabi ko at bigla na lang akong kinilabutan ng sabihin ko 'yon.

"Ayan nga sa likod mo–"

"Whaaaaaaa!" Sigaw ko at napatakbo papalapit sakanya dahil natatakot talaga ako.

"Hahahahahahahaha ano ka ba ate walang kapre jan, sige na upo na dali at kukuhanan kita ng picture" sabi niya kaya dahan-dahan naman akong lumapit ulit doon at paupo na sana ng bigla ulit siyang magsalita. "May nakatira lang dyang dwende sa likod niyan" dagdag niya.

"Whaaaa mama! Ayoko na bahala ka jan!" Takot kong sabi at naglakad pabalik sa bahay.

"Hahahahahahaha" tawa ni Rainer bago sumunod saaken.

Nakasalubong naman namen si kuya na may hawak na mangga sa kamay.

"Oyy kuya saan mo 'yan nakuha?" Tanong ko.

"Gusto mo?" Tanong niya kaya tumango naman ako. "Inakyat ko doon tara" sabi niya kaya tumakbo naman kami papunta sa puno ng mangga na sinasabi niya.

"Aakyat din ako, gusto ko kumain jan sa taas" sabi ko at humawak na doon sa malaking sangga at sinimulang umakyat.

"Oyy dahan-dahan baka mahulog ka ate!" Sabi ni Rainer mula sa baba.

"Hindi 'yan, kuya may dala ka bang kutsilyo?" Tanong ko.

"Ohh" abot niya saaken nung maliit na kutsilyo kaya kinuha ko naman yung dalawang mangga sa gilid ko. "Rainer salo" sabi ko at hinulog yung dalawang nakuha ko at nasalo niya naman.

"Sinong nasa itaas?" Rinig kong tanong ni papa.

"Si kuya at si ate pa" sagot naman Rainer.

Lagot.

"Ano!? Bejay baba! Haysos maryosep kang bata ka oo, baba jan dali. Kababae mong tao umaakyat ka ng puno akala mo hindi ka na dalaga" rinig kong sabi ni mama kaya bago ako bumaba binigay ko muna kay kuya yung kutsilyo at hinulog yung isa pang mangga bago ako tumalon pababa.

*Pak*

"Ahh! Aray naman ma ehh" daing ko ng paluin niya ako sa balikat.

"Ikaw talagang bata ka hindi ka na nadala, akala mo si superman ka para tumalon ng ganon kataas" sermon niya saaken.

"Hehehehehehehe" tawa ko.

"Raymond baba jan, ikaw hindi mo man lang sinuway 'tong kapatid mo" sabi ni papa sakanya.

Bumaba naman si kuya at gaya ko tumalon din siya pababa.

"Eh hindi naman po 'yan papapigil" sagot niya.

"Aba'y sumasagot ka pa, kayong mga bata kayo lumapit kayo rito at pag uumpugin ko ang mga ulo niyo" sabi ni mama.

Kaya bago siya makalapit tumakbo na kami ni kuya at tuwang-tuwang lumayo kay mama.

EFREN POV

"So wazzup mga lods! How are you?" Sabi konsa harap ng camera.

Nag decided na ako na simulan na ang pagvlog kasi wala naman akong ginagawa, actually when I first meet Bejay here at bicol, I was recording that time for my vlog but then accident happened kaya bigla nawala yung gana kong magvideo.

My Probinsyana Enemy Where stories live. Discover now