Chapter 1

33 3 0
                                    




Chapter 1

Bata pa lamang, kahit laging magkaaway, ay matalik na kaibigan na ang turing nina Gray at Blade sa isa't-isa. Hindi pa man nga ipinapanganak ang dalawa ay ito na ang ninanais na ng kanilang ina, na maging magkaibigan sila—matalik na magkakaibigan din ang kani-kanilang mga magulang mula highschool kaya't hindi na iyon naging mahirap sa mga magulang nilang gawing malapit sa isa't isa ang kanilang mga anak.

Basta ang sabi na lang bigla ng mga magulang nila, "Oh magkaibigan kayo ha?"

"And so be it!" sa isip ng dalawa, and the rest is history.

---

Deidamia Gray Lewis is currently 19 years old and on her 2nd year college, Bachelor of Arts in Multimedia Arts. On the other hand, Anthony Blade Martin, is now 19 years old, taking Bachelor of Arts in English. Hindi nalayo ang edad nila sa isa't isa kaya sila na rin ang laging magkasama sa halos lahat.

Habang taimtin na kumakain ng cupcake at nagbabasa si Blade ay mayroong naglapag ng bag sa harap niya. Hindi na niya kailangan pang tumingala dahil isang tao lang ang gumagawa noon sa kaniya.

"Oh? Nandito ka? Sumbong kita kay Tita Rachel nagcucutting ka!" ani Blade sa babae.

"Hoy, 'di ah? Sa bait kong 'to? Cutting? Nah," sagot sa kaniya ni Gray.

"Gag1, may ikukwento ako sa iyo, langgam! Kitang-kita ng dalawang mata ko kaya hindi chismis!" dagdag pa nito. Nakasanayan na niyang tawagin itong langgam kahit noong bata pa sila. Nanggaling ito sa unang tatlong salita sa first name ni Blade. Ant.

"Gasgas na 'yan sa pandinig ko, lagi namang false information. Provide source muna." Binaba ni Blade ang libro niya at tiningnan ang dalaga.

"Tss, ako nga yung source. Ako ang batas, lahat ng sinasabi ko tama, langgam. kapag may mali, ay hindi ako yung nagkuwento sa'yo n'on!" ani Gray sa lalaki.

"Eh, ano ba 'yon ha?"

"Eh kasi 'di ba, naglalakad ako—" hindi pa natatapos ang pagsasalita niya nang pinutol ito kaagad ng kaibigan niya.

"Wow, congrats! May paa ka! Oh, layas na," aniya at kinuha ang libro na hinawi naman nang marahan ni Gray.

"Ito na! Lintik na 'to, 'di ba naman ba ako pinatatapos—ehem ehem." Umubo pa ito na para bang mahabang speech ang sasabihin niya.

"Si Steff! Habang kasama ko si Olive sa library nakita naming dumaan, may kaholding hands! Boyfriend 'yun! Grabeng bata, hindi manlang nagkukuwento. Nauhanahn pa tayo!"

"Tss, sige nga, hawakan ko kamay mo, magjowa na tayo n'on?" tanong ni Blade at hindi naniniwala sa sinabi ng kaibigan. Si Steffi ay ang bunso niyang kapatid, 14 years old, at grade 9 student.

"Dali na! Wala ako pasok sundan na na'tin!" aya ni Gray.

"T4ng1na naman nito eh, kapag iyon hindi totoo, sinayang mo lang oras ko." Wala nang nagawa pa ang lalaki sapagkat hatak-hatak na siya ng babae.

"Sige! Kapag mali ako may punishment! Pero kapag tama yari ka sa'kin!"

"Deal, handa ka nang maging alila?" pang-iinis ni Blade sa kaibigan.

"In4 mo. Tama ako gag1."

"In@ mo rin," pambawi naman ng lalaki.

"Inaano ka ng nanay ko ha?" amba ni Gray.

"Gag1! Sabi ko nga, wala eh! Dalian mo! Pero kapag 'to, hindi totoo, malilintikan ka sa'kin, may punishment," he said, siya na rin ang naghatak sa kaibigan nang marahan.

"Saan kaya sila ngayon?" tanong ni Blade sa babae.

"Baka sa classroom? Pwede ring sa mga bench diyan! Jusko napakaraming pwedeng paghanapan!"

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now