Chapter 16

7 0 0
                                    

Chapter 16

"Alam niyo? Ngayon ko lang narealize kung gaano kapangit ang mga suot natin ngayon!" Sumandal si Gray sa upuan. Kasalukuyan sila ngayong na sa coffee shop habang hinihintay ang kanilang mga order.

"Ay beb ikaw lang! Kita mo naman outfit of the day ko ngayon oh!" ani Olive. Hindi kasi katulad ni Gray na naka pajama at malaking damit—na karaniwang pantulog ni Gray, si Olive ay naka blouse, striped pants, at platform sandals. Sina Vester at Blade naman ay naka pambahay lang rin. Shorts at T-shirts.

"Gagi ka hindi mo nakita yung tingin sa'tin kanina nung guard ng fullybooked? Grabe si ma'am guard eh para bang jinujudge na buong pagkatao ko!" reklamo ni Gray.

"Kajudge-judge ka talaga mhie kahit anong suot mo ha?" biro ni Olive.

"Tsaka ayos 'yan! Mukha ko kayong alalay! Isang driver, isang yaya, tapos isang bangko! Hahahaha!" dagdag ng babae.

"Who says all the book you lend me to pay will be given to you?" says Vester. Halatang binulungan ni Blade na sabihin ang mga katagang iyon.

"Ay tumanggap lang pala ng suggestions eh! Iyak!" pang-iinis ni Gray.

"Wag niyo tatanggapin suggestions ko ha! Uuwi rin talaga ako kapag nakuha ko na yung Frappe ko!" padabog na biro ni Olive.

Vester tsked, "Just kidding. Here are your books. Huwag mo lang idisplay 'yan, binabasa 'yan."

"Iyon naman pala! Buti ka pa Vester noh? Tangin4 kasi nung iba diyan sabi kuhanin ko daw kung ano yung gusto ko tapos dinala ako sa classics kasi mas mura raw doon!" parinig ni Gray.

"Kinumpleto ko na nga yung mga koleksyon mo eh!" depensa ni Blade.

"Ay oo na lang!"

"Alam niyo may alam na akong gagawin niyo!" Biglang may pumasok na ideya kay Olive habang nagbabardagulan ang dalawa.

"Kakain?" tanong ni Gray.

"Tang4 hindi! Alam niyo ang dapat niyong gawin talaga sa buhay niyong dalawa? Mas madali yung panindigan niyo na lang talaga ang pagiging magjowa kaysa naman magpanggap kayong naa-awkward na mag-ex habang nasa family outing o vacation kayo!"

"Agree," tumango-tango si Vester.

"Gag0. Lalakas ng trip pot3k," komento ni Blade na umiiling lang habang tumatawa nang marahan.

"Ikaw kasi putang1na ka Blade eh! Ang sabi sa'yo dapat naghanap ka na lang ng hindi kilala eh! Yung makakalimutan bigla!" sambit ni Gray habang nakatingin sa harap niya.

"Eh ano gagawin ko? Paano ako maghahanap? Ipopost ko sa social media? Parang ewan lang?" Blade sarcastically asked.

"Bakit hindi ba tayo nagmumukhang ewan ngayon?"

"Dapat daw talaga pinost mo na lang tapos ilagay mo l-f-w-t-b-w-t-s girlfriend weekly salary! Hahaha tapos hanapan niyo na rin ng Pag-ibig, SSS, tsaka insurance! Hahahaha!" singit ni Olive. Both of them looked at her sharply.

"Shut up na nga ako!" aniya nang mapansing seryoso pala ang away ng dalawa. Mukha pa rin kasing mga tang4—sa isip-isip niya.

"You two. Just give each other silent treatment whenever you interact—once your relationshop ends. That will do. Hindi yung mag-aaway pa kayo diyan." Tumayo si Vester nang matawag na ang table nila upang kunin ang mga orders.

"Siya kumuha, may pambayad ba 'yon?" tanong ni Gray.

"Baka? Mayaman naman 'yan. Mas mayaman pa sa'yo," sagot ni Blade.

"Nainis siguro sa atin kaya iniwan tayo! Hindi naman dapat siya ang magbabayad eh. Si Blade dapat," tumingin si Gray kay Blade.

"Hayaan mo na. Nakita ko wallet kanina mhie! Lilibuhin! Kaya niya na 'yan!"

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now