Chapter 6

32 1 0
                                    

Chapter 6

Bago umuwi ay napagpasyahan ng dalawang gumala muna sa mall. At dahil hinsi naman sila selfish at sa tingin nila ay malungkot kung dalawa lang sila, kinayag nila ang mga kaibigan nila. Pahirapan man sa pagcontact kina Olive at Vester ay pumayag pa rin ang mga ito. Wala rin silang choice.

"Napakarami niyong trip. Isasama pa ako," reklamo ni Vester. Aniya'y nang tumawag si Blade sa kaniya ay nag-aaral ito.

"Daming arte pumunta pa rin naman," inirapan, ni Olive si Vester. Tumawa naman sina Blade at Gray.

"Kanina crush mo tas nung hindi ka pinapansin iniirapan mo na? hahahaha!" pang-aasar ni Gray.

"Sino nagsabing crush ko 'yan? Aba! Hindi naman mababa standards ko!"

"Same," banat ni Vester.

"Dami niyong alam. Saan niyo ba gusto kumain ha? Piliin niyo yung pinaka mahal. Ako manlilibre," saad ni Blade na pinagmamayabang pa ang debit card niya.

"Puro ka na utang Blade!" pang-aasar ni Gray.

"Hoy! Sino nagsabi niyan?! No to Fake News! Tsaka debit 'to P're!" depensa ni Blade habang yakap ang debit card niya.

" Eh iyon naman pala! May alam akong mahal na resto dito! Tara Gray!" Hinatak ni Olive si Gray patungo sa sinasabi niyang restaurant. Ang dalawang lalaki naman ay walang ibang magawa kung hindi sundan sila.

---

"Blade!" bulong ni Gray sa katabi niya. Nakarating na sila sa restaurant na sinasabi ni Olive at sa katunayan ay dumaing na rin ang order nila.

"Ano?" bulong pabalik ng lalaki.

"Gag0 hindi ko alam kung paano 'to kainin! Ang tigas pa ng baboy! Mamahalin ba talaga 'to?"

"Gag1 ka, hindi ko rin alam yung akin! May mayonaise pa jusko lord hate ko 'yan!" sagot ng lalaki.

Habang ang dalawa ay problemado sa kakainin, sina Olive at Vester naman ay nag-eenjoy lang sa pagkain. Si Olive ay kasalukuyang kinukuhanan ng litrato ang pagkain habang si Vester naman ay kumakain na.

"Hiwain ko na lang 'yang baboy mo palit muna tayo plato," pagmamagandang loob ni Blade sa kaibigan.

" Huwag na! Magpalit na lang tayo! Mas gusto ko 'to! Hehe," sabi ni Gray.

"Tanga ka may laway na 'yan! Sinubukan ko nang kainin!"

"Ayos na yan, at least alam kong walang lason haha! Lintik kasi ni Olive paladesisyon sa kakainin natin!"

"Hoy Gray! Ang sabi niyo kayang dalawa kahit ano! Ngayong ako pumili magrereklamo kayo! Nakakasakit na kayo ah!" wari pang emosyonal na saad ni Olive nang marinig ang bulungan ng dalawa.

"Kumain ka na lang, Olive. Pabayaan mo na at pare-pareho naman kayong nababano na," singit ni Vester. Umani ito ng tatlong protesta ngunit sa huli ay nagtawanan din dahil pare-pareho naman din kasi sila.

Nang matapos kumain ay napagdesisyunan naman nina Gray at Olive ang pumunta sa arcade. Sinusulit na nila ang libre ni Blade dahil alam ni Gray na kung mauulit man 'to ay sa end of the world na. Natawa rin si Gray sa itsura ng kaibigan nang magbabayad na ng 4k sa mga kinain nilang hindi naman na-enjoy.

"Tinext ako ni Tita. Bakit hindi ka nagpaalam? Hinahanap ka na daw!" saad ni Blade kay Gray habang naglalakad patungong arcade.

"Nakalimutan ko gagsti! Tawagan mo nga! Wala ako load ih!" Tinawagan naman ni Blade ang ina ni Gray. Pagkasagot ng ina ni Gray sa tawag ay binungangaan na agad nito si Blade.

"Eh Tita! Akala ko naman kasi nagpaalam na! Ito ho kakausapin daw kayo hehe," paliwanag ni Blade.

"Oo ibigay mo sa kaniya nang mapagsabihan! Aba may magulang kamo siyang nag-aalala sa kaniya tapos malalaman kong gumagala?" sagot pabalik nito.

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now