Chapter 7

10 2 0
                                    

Chapter 7

Gabing gabi na nang makauwi sina Blade at Gray. Alam na ng dalawa ang mga sermon nasasapitin nila. Papasok na sana si Gray sa gate nila ngunit pinigilan siya ng kaibigan.

"Oh," inabot niya ang limang we bare bears na nakuha ni Blade sa laro kanina lang. Kaya naman nahirapan si Gray sa pagbuhat.

"Para saan?" nagtatakang tanong ni Gray.

"Try mo ibenta kung nagigipit ka nang talaga," sambit ng lalaking puno ng sarkasmo. "Joke. Iyo na yan. Aanhin ko 'yan. Hindi rin naman mahilig diyan kapatid ko," dagdag pa niya.

"Sige. Thank you! Good night!" masayang bati ni Gray kahit na nahihirapan na sa binubuhat.

"TSS. Hirap na hirap ka ah? Akin na nga at tulungan na kitang buhatin 'yan!" Kinuha ng lalaki mula kay Gray ang lahat ng gamit niya at pumasok sa kanila upang ilagay roon ang gamit niya. Sa gulat ay hindi na rin na nakapalag pa si Gray kaya naman ay hinayaan niya na lang at sumunod na lang sa binata.

"Oh bakit umuwi pa kayong dalawa ha?" Kung alam lang ni Blade na pati siya ay pagagalitan ng Tita niya ay hindi na sana niya tinulungan ang kaibigan.

"Ikaw Blade hindi ka rin nagpaalam sa Mama mo ha?" Hinampas ng ina ni Gray ng Magazine ang lalaki.

"Aray ko naman Tita! Nagpaalam ho ako! Nawalan lang ako load!" depensa ng lalaki.

"Ah talaga ha? Ang dami mong palusot umuwi ka nang bata ka!" Tinanguan siya ni Gray at kaya umalis na siya ngunit bago umalis ay nagpaalam muna ito.

"Good night po Tita! Hehe peace!"

"TSS. Sige na! Batukan ko kayong dalawa jan eh!"

Nang makaalis na ang lalaki ay nagsalita si Gray. "Ma naman!!"

"Anong Ma naman ha? Bakit ngayon lang kayo ha? Aba nagd-date rin naman kami ng Papa mo pero hindi kami--" naputol ang sinasabi ng kaniyang ina nang mapagtantong inabot na rin sila ng ganitong oras noon.

"Ano ulit Ma?" pang-aasar ni Gray. Umirap naman ang kaniyang ina. "Tsaka Ma hindi ko kami nagdate! Magkakasama po kaming magkakaibigan! Bonding lang!"

"Hindi bonding magkakaibigan ang doble date!" Ipinakita ng ina ni Gray ang litrato nilang apat habang kumakain sa restaurant. Story ni Olive sa social media.

"Hahahaha! Hindi naman po sila Olive at Vester!"

"Hina naman kamo ni Olive! Sabihin mo!" komento ng kaniyang ina na ikinatawa naman niya.

"Crush nga ni Olive, Ma eh! Kaso hindi siya type!"

"Kawawang bata," umiling iling pa ang ina nito.

"Ngek. Hahahaha! Saan ho si Papa?" biglang tanong ni Gray sa kaniyang ina.

"Ang lintik na 'yon! Hindi pa umuuwi! May trabaho pa raw!" Bumalik sa pagka-inis ang ina nito kaya bago pa sa kaniya mabunton ang galit ng ina ay unti-unti na niyang tinapos ang kanilang usapan.

"A-ah ganoon ho? Matulog ka na Ma! Matutulog na rin ako. Love youu!" aniya at tumakbo agad papanik kasama ng mga gamit niya. Mahirap na, napunta na nga sila s aibang usapan ay baka mapagalitan pa siya.

Pagkadating sa kwarto ay agaran niyang chinat si Blade.

Langgam

Active Now.

Deidamia Gray:

Pst

Langgam:

Ano na naman

Deidamia Gray:

Akala naman aanuhin kita maka ano na naman

Langgam:

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now