Chapter 11

13 1 0
                                    

Chapter 11

Nagulat si Blade sa tanong ng kapatid niyang parang aso kung ngumisi ngayon ngunit pinili pa rin niyang huwag na lang pansinin ang katanungan nito. Naglagay siya ng earphones sa dalawang tenga niya kahit wala siyang pinatutugtog at kumuha ng libro upang may magtakip sa kaniyang mukha mula sa kapatid.

"Kuya naman! Nahuli ko kaya kayong nag-iirapan!" pabulong na sigaw ni Steffi.

"Huwag ka na lang maingay, Steff."

"Tapos kahapon pa nakasimangot ka!" Medyo napalakas ang boses ni Steffi sa sinabi niyang iyon dahilan ng pagkuha nito ng atensyon ng kanilang mga nanay pero agad rin naman silang umiwas ng tingin.

"Ikaw bata ka, huwag ka na mahiya. Ipagsigawan mo pa sa buong mundo! Pagod lang ako kahapon, okay? Pagod din ang ate Gray mo," wika ni Blade. Tumango-tango naman si Steffi.

"Okay? But don't break up, please!" Gustong umirap ni Blade nang sabihin iyon ng nag-iisa niyang kapatid. Gusto niyang sabihing "Hindi naman kami—" Pero siyempre hindi niya gagawin iyon. Takot lang niyang maipakasal sa iba. Kung sa kaibigan niya sana okay lang kasi sa papel lang naman, pero kung sa ibang hindi niya naman kilala, huwag na.

Hindi pa man sila nakakarating sa kanilang paroroonan ay nagising na si Gray. Malapit na sila sa Fort Santiago, isa sa mga pinaka paboritong puntahan ni Gray. Gray loves history, kaya naiinis siya sa mga taong pilit binabago ang nakaraan dahil lang hindi ito pumapabor sa kagustuhan nila. Dahil sa sobrang taas ng pride para sa pulitikong napiling suportahan, halos lahat na ata ng mga facts at pati ang history sa kanila ay biased.

"Huy, Steff!" tawag ni Gray sa kaniyang katabi nang makitang malapit na sila sa Fort Santiago.

"Po?" sagot ng bata.

"Kapag nasagot mo ang tanong ko, ibig-sabihin nakinig ka sa history teacher mo noong grade six ka!"

"What's it po?"

"Pagtritripan mo na naman yung bata, Deidamia!" komento ng mama ni Gray.

"Chill, Mama! Seryoso ako dito! Ilan ang girlfriends ni Rizal?" lumipat ang tingin ni Gray sa katabi niya, hindi binibigyan ng kahit isang sulyap si Blade kahit alam niyang nakatitig ito sa kaniya kanina pa. Galing mambaliktad, ah.

"T-twelve?" nagtatakang sagot ni Steffi. Tumawa naman si Gray.

"Kayo, Tita? Mama? Ano sagot niyo?" Bumaling ang babae sa harap niya.

"8?" tanong ng kaniyang tita Annaliese.

"Same answer," ani ng kaniyang ina. Tumawa ulit si Gray.

"Kayo ba Papa? Tito? Alam niyo?" tanong ni Gray.

"Pass!" sagot ng ama ni Gray at tumawa rin ang tito niya. Umiling na lang si Gray.

"Yabang mo, Gray! Pakialam ba namin sa relasyon ng may relasyon! Ilan ba kasi?" tanong ng kaniyang ina.

"Hindi rin ako sure eh! Hahahaha at least nine ata? Pa iba-iba eh. Kaya nga nagtatanong ako!" biro niya.

"Tama naman," um-agree ang lalaking kanina pa hindi pinapansin ni Gray. Tumango na lang si Gray pagtapos sabihin iyon ni Blade.

"Pero medyo mali, seven lang daw, yung nine, mga nalink lang siya kay Rizal. Therefore, yung iba no-label relationships," pagbawi ni Blade.

"Source mo?"

"Bakit hindi natin tanungin sa guide mamaya?" tumaas ang kilay ni Blade.

"Parang mga bata pa ring mag-away ang dalawang ito! Magtigil kayo ha! Kung may problema kayo sa relasyon niyo ay huwag niyong idamay ang guide dahil marangal na nagtatrabaho ang tao! Pati si Steffi idadamay niyo pa!" sermon ng tita Rachel ni Blade. Gustong sabihin ni Gray na—hindi mo lang rin alam ang sagot eh—ngunit hindi na lang rin niya iyon itinuloy.

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now