Chapter 3

20 3 0
                                    

Chapter 3

Pagka-alis nina Vester at Olive sa tinatambayan nila ay sumunod na rin sina Gray at Blade, ngunit hindi pa sila umuwi at dumaan muna sa fishball-an.

"Sure ka ba sa plano mo?" tanong ni Gray habang busy sa pagtusok ng kwek-kwek at kung anong makita niyang masarap sa paningin niya. Hindi naman siya yung magbabayad.

"Aba! Kailan ako pumalpak ha?" balik namang tanong ng nagmamayabang na Blade kay Gray habang umiinom ng gulaman.

"Marami, langgam! Huwag mong hayaang isa-isahin ko pa! Basta isip ka ng Plan B, C, D, E, F—Basta hanggang matapos ang alphabet!"

"Bakit hindi mo ako tulungan 'di ba!"

"Bakit? Ako ba ang ayaw makasal?"

"Bakit? Para namang hindi mo ko kaibigan," bulong na ani Blade.

"Wow! Para namang hindi mo ko kaibigan card! Gasgas na 'yan!"

"Ikaw magbayad niyang kinuha mo ah!"

"Hoy joke! Bayaran mo na 'to upo lang ako dito hahaha!" saad ni Gray at umupo sa tabi. Tinabihan naman siya ni Blade nang makabayad na siya.

"Gray," tawag ni Blade sa katabi niyang tulala habang ngumunguya ng kikiam.

"Hmm."

"Bakit sina Tito at Tita may itsura, aba ang kwento pa ni Papa marami raw fans si Tito! Pero ba't yung anak nila wala?" Agad na binatukan ni Gray ang lalaki.

"Hoy! Marami kaya nagsasabi na kamukha ko si Mama!" depensa ni Gray rito.

"Baka ibang Mama yung sinasabi! Tanungin ko si Tita kung anak ka ba talaga nila."

"Bwisit ka talaga!" Pareho naman silang natawa.

Kalaunan ay umuwi rin sila. Medyo traffic lang kung kaya't mga 6 P. M. na sila nakauwi. Hindi parte sa plano iyon ngunit good timing dahil kasabay nilang nakauwi ang ama ni Gray.

"Late na kayo umuwi, ah?" tanong nito.

"Traffic, Pa!" sagot ni Gray.

"Aba, grabeng traffic naman pala 'yan! 4 P. M. uwian tapos 6 P. M. na nakauwi dahil ano?"

"Traffic, Tito Dark," si Blade ang sumagot.

"Natraffic din naman ako ng 4 P. M. pero mga 5 P. M. nakauwi rin ako. Take note! Diyan lang eskwelahan niyo!"

"Kumain pa kami ng street foods, eh?" palusot ni Gray. 'Aba hindi ako nagsinungaling doon!' dagdag niya pa sa isip niya.

"O siya, sige. Ayusin niyong dalawa ha!" Ngumiti naman ang dalawa na para bang mission accomplished pagka-alis ng ama ni Gray. Nag-apir pa ang mga uto.

"Chismoso tatay ko, jan ako nagmana pare, asahan mo nang tayo na ang talk of the Gc nila," bulong ni Gray at unti-unti nang lumapit papasok nang bahay habang pareho silang tumatawang ala-demonyo.

Saktong pagpasok ni Gray sa sala ay nakikita niyang habang nasa harap ng laptop ang kaniyang ina ay may ibinubulong ang kaniyang ama. Nang mapansin ng kaniyang magulang ang presensa niya ay umupo ang mga ito nang tuwid. Magtataka sana siya ngunit naalala niyang signs of effectiveness ito ng plano nila. Binilisan tuloy niyang ayusin ang sarili bago ichat si Blade.

Langgam

Active 1m ago

Deidamia Gray:

Hoyyyyy!

HAHAHAH Libre mo ko bukas ha!

We nailed itt!!!

Langgam:

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now