Chapter 23

8 0 0
                                    

Chapter 23

"Ano ba ang meron?" kuryosong tanong ni Gray habang na sa kotse sila patungo sa paborito nilang coffee shop.

"Wala naman. Masama bang mag-aya? Buy 1 take 1 daw kasi 8.8.," sagot ni Blade sa babae nang hindi tumitingin rito.

"Kapal ng mukha mo mag-aya! Buy 1 take 1 naman pala! Pasalamat ka wala akong gagastusin dito ah." Umiwas ng tingin ang dalaga.

Ilang minuto pa nang makarating sila ay dumeretso agad sila sa table na madalas nilang puwestuhan at sa labas iyon. Ayaw talaga ni Blade doon ngunit mapilit si Gray kaya doon na sila lagi, kaunti na lang ay lagyan na ito ni Gray ng "Gray's Property."

"Anong flavor ang gusto mo? Ako na ang oorder, diyan ka na lang madam," ani Blade nang inihatak niya ang upuan para kay Gray.

"Try natin yung Salted Caramel Machiatto," maikling sagot ni Gray. Tumango naman si Blade at pumunta na lang sa counter.

---

"Ang tahimik mo naman ngayon! May sakit ka ba?" Blade approached her. Kanina pa walang nagsasalita sa kanila at nagfofocus lang sa kinakain.

Well, Gray really, is refraining her words. Doon din niya napansin na siya lang talaga ang nagdadala sa conversation nila ni Blade palagi, natawa siya sa isip niya. Mahina naman kasi sa communication 'yan, minsan introvert, madalas masama ang ugali.

"May nakita ka bang nagsasalita habang umiinom ng kape?" puno ng sarkasmong tanong ni Gray rito. Then, he frowned. Ang daming realizations ni Gray sa lalaki after she knew she's about to fall: Naghahanap pa siya sa campus nila ng gwapong matalino eh ayan lang pala, kapitbahay niya, kaibigan pa. Nagayuma ba ako?—tanong niya sa kaniyang sarili.

"Pilosopo mo," aniya.

"Aya-aya ka kasi dito eh wala ako sa mood."

"Bakit ka sumama?"

"Libre eh," bulong na sagot ni Gray.

"Eh bakit mo ako inaya? Farewell celebration?" dagdag pa niya.

"I have to tell you something, bakit? Masama? Pero baka mamaya na, magpakabusog ka diyan, waldasin mo pera ko, yung to th point na wala na tayong panggas ha?"

"Itotodo ko 'to malamang, last na 'to eh. If ever hintayin na lang natin magulang natin magtanong tsaka natin sabihing hiwalay na tayo ha? Para hindi mabigla," paliwanag ni Gray. Hindi umimik si Blade.

"Kapag kinulit ka pa ng magulang mo sa arranged marriage na nakalimutan ko nang dahilan kung bakit tayo nagpanggap, congrats in advance na lang ha? Hahahahaha, may taste naman sina tita hindi ka naman papahamak noon!" pagtutuloy niya sa sinasabi. Wala pa ring binigay na komento ang lalaki ngunit alam naman ni Gray na nakikinig ito. Para namang hindi sila magkikita kasi at parang namamaalam na agad si Gray, but one thing's for sure, Gray will distance herself from him. It may be OA but, it will be for good, naisip ni Gray.

"Gusto mo ba ng waffles?" tanging inimik ni Blade.

"Gutom ka ba ngayon? Ang dami mo nang nakakain nagbabalak ka na naman! Tsaka mag-usap na lang tayo, parang tanga ito kinakausap tas biglang mag-aalok ng pagkain. Mamaya na yan take-out na lang natin."

"Dami mong reklamo ako naman ang magbabayad," umirap si Blade at bumulong.

"Hahampasin kita! Sabihin mo na lang yung gusto mong sabihin. Kapag walang kwenta 'yan ihahagis kita," sabi ni Gray habang nakatitig sa lalaking parang pinapakalma ang sarili, may pa inhale and exhale pa.

"Okay. Gray, potek pinaghandaan ko 'to eh," biglang yumuko ang lalaki at bumulong bago sabihin ang sasabihin niya.

She has hints, if that's the case, bakit may kausap siyang babae last night? The two parts of her brain contradicts themselves. She tried to play it cool, "Huwag mo sabihing may taning na buhay mo? Gago kaya ba pinauubos mo na sa'kin pera mo?" biro niya rito.

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now