Chapter 2

13 3 1
                                    

Chapter 2

"Palibhasa alam mo kung paano ako kukunin eh! Mang-uuto, mag-oofer ng pera, pero... T4ng in4 mo! Ginawa mo pa akong mukhang pera?" sigaw ni Gray sa harap ng lalaki.

"Hindi ka na lugi doon!" ani Blade.

"Ano ba akala mo sa'kin? Mahirap? Pero siyempre, G! Kailan start tas kailan matatapos? I demand 10k per week kasi gusto kong mahirapan ka," demand pa ni Gray dito. Kaya namang ibigay ni Blade iyon ang kaso pareho silang kuripot ni Gray kaya tiyak na tatanggapin talaga ni Gray ang offer—hindi lang sigurado kay Blade.

"Hindi ba pwedeng libre na lang? Ito naman parang hindi kaibigan ah?" Sinubukan ni Blade kung makakalusot pa ba siya sa sinabi niyang magbabayad siya.

"Langgam na 'to, pero sige. Basta lagi mo akong ililibre at lagi mo akong suusnduin para iwas pamasahe. AT! Sasabihin ba to kina Tita? Pati kina Mama?" tanong ni Gray sa lalaki.

"Malamang. Sina Mama nga ang dahilan kung bakit tayo magpapanggap 'di ba?" Umirap naman ang babae.

"Alam mo Langgam, bilang kaibigang payo 'to ah, bakit ayaw mo itry yung engagement?" tanong ni Gray. "Malay mo magwork!"

"Ayoko magtrabaho," binatukan ni Blade ang kaharap niya.

"Gag0 nito, akala kasi nagbibiro ako."

"Ayoko pa kasi Gray! Tulungan mo na lang bespren mo, labyu!" ani Blade.

"Eww! Sige na lang. Contact mo na lang ako sa mga balak mo. Magkapit-bahay lang naman tayo." Akmang aalis na si Gray ngunit pinigilan siya ni Blade.

"Tang4 bayaran mo kinain mo. Hindi 'to kasama sa offer ko. Tsaka, sabay na tayo dala ko kotse ni Papa," wika ng lalaki at tinawag na ang waiter para pagbayarin si Gray.

---

Sinunod naman ni Blade and kondisyon ni Gray. Hindi naman sa ayaw niyang magbigay ng 10k per week, pero parang ganoon na nga. Mas makakatipid rin kasi siya kung ililibre, hatid, at sundo lang niya ang kaibigan. Hindi naman siya lalayo lalo pa't magkapit-bahay lang sila.

"Dami mo namang bitbit ha? Alam mo, dapat pala dati pa lang hinatid-sundo na kita, basta willing ka magpa-gas," ani Blade habang nilalagay sa likod ng kotse niya ang malaking tripod at isang maliit na maletang gamit ni Gray.

"May project kasi kami ngayon, may shoot! Ngayon mo lang sinabi 'yan kung kelan halos wamport ng buhay ko ay nahihirapan ako magcommute???" sagot naman ni Gray sa kaibigan.

"Ay oo na lang, susunduin naman kita kung sasabihin mo," bulong pa ng binata kahit narinig rin naman siya.

"Ate, kuya? Mamaya pa ba kayo sa away niyo? Mala-late na ako eh hehe," ani Steffi, kapatid ni Blade.

"Ito na, wait lang," ani Blade at sumakay na sa kotse.

Habang nasa byahe ay hindi naman sila halos nagpapansinan. Si Blade ay busy sa pagmamaneho, ang katabi niya, si Gray ay tamang cellphone lang, at si Steffi naman ay kumakain ng umagahan sapagkat late na rin ito nagising.

"Wala ba diyan sina Tita?" Si Blade na ang bumasag sa katahimikan. Hindi naman tahimik na tahimik sapagkat si Steffi ay nilalakasan ang pagnguya.

"Oo eh, may business trip daw si Papa eh," sagot ni Gray.

"Lagi nang sumasama si Tita ah? Dati naman wala siyang pake doon," nakatutok pa rin si Blade sa daan kahit na nag-uusap sila.

"Ewan ko ba kay Mama, may mga hay0p daw na may gusto kay Papa doon, hahahha expected na talaga kung kanino ko mana eh," pagyayabang ni Gray.

"Weh? Eh apat pa nga lang umaamin sa'yo nagback-out pa eh," pang-iinis ni Blade.

"Oh? Eh pang-lima ka nga eh, umamin ka sa'kin kahapon."

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now