Chapter 24

18 1 0
                                    

Chapter 24

"Alam mo, Anak kanina ka pa panhik-panaog diyan, at silip nang silip sa bintana, nababaliw ka na ba?" puna ng ama ni Gray at binaba ang dyaryo upang komprontahin ang anak.

"Alam mo, Papa, kanina pa ako panik-panaog na sa first page ka pa rin ng dyaryo, ilang article ba laman niyan at hindi ka po matapos?" tumaas ang kilay ni Gray. The truth is, umaga pa lang ay naghihintay na siya ngunit wala pa rin talaga, ni anino ni Blade ay hindi niya nakikita. Lakas ng loob umamin, wala manlang pahabol na remarks ganoon?--Aniya sa isipan.

At hindi niya siya sinagot agad pero wala ba siyang alam sa quote na, "Silence means yes?" dagdag pang aniya.

"Bored ka lang siguro talaga sa buhay mo, Gray. Tulungan mo na lang ang mama mo roon. Iyang nanay mo ayaw pa kumuha ng kasambahay gustong-gusto pahirapan ang sarili," umirap ang ama ni Gray.

"Bakit hindi mo ako irapan sa harap ko ha?" biglang dumating ang nanay ni Gray, si Rachel. "Ano nga ulit yung sasabihin mo?"

"Ah, wala a-ang sinasabi ko kasi Mahal, ayokong napapagod ka 'di ba?" bulol na paliwanag ni Dark sa asawa.

"Katulong ko naman ang anak mo, ano ba tayo sa bahay na 'to, sampu para kumuha pa ng kasambahay? Magtigil ka," paliwanag ng ginang.

"Opo Pa, tulong ka na lang sa gawaing bahay para hindi mastress si mama," tumatanong saad ni Gray bilang pagsang-ayon sa kaniyang ina at inabot ang vacuum sa ama. Siya naman ay maglilinis na lang rin kaysa maghintay sa wala.

---

Pagkatapos na pagkatapos maglinis ng bahay ni Gray ay agaran siyang dumeretso sa kwarto upang gawin naman ang mga errands niya sa school. Saktong ang pwesto niya ay harap ng bintana, doon ay nakita niya si Blade na papuntang kotse habang may kausap. Tumaas ang kilay niya, hindi nagpaparamdam sa kaniya tapos lakas nang loob tumawa-tawa. Umirap ito nang umalis ang lalaki lulan ng kotse.

Dahil hindi mapakali ay napagdesisyunang magtext ni Gray sa kapatid ng lalaki.

Steff<33

Active now.

Ate Gray:

Steeffiiii bebeee saan kuya mong konti na lang ihahagis ko na???

Steff<33:

I heard ate, he'll be seeing someone ngayon, with Lucy something. Sa mall, sa coffee shop. Why pooo? Hindi niyo alam?

Ate Gray:

AH GANON? Gusto mo lumabas ngayon? Ipagpapaalam kita kay Tita-- libre koo<33333333333


Bahagyang nanggigil ang babae ngunit naalala niyang wala naman sa konbersasyon ang kaniyang kinaiinisan kaya't pinalampas niya na lang.

Hindi na nagreply si Steffi ngunit nagreact ito sa message niya kaya't dali-dali siyang nag-ayos upang mapuntahan agad ang bata, na hindi naman na ganoon kabata, she thought.

Pagkasundo niya kay Steffi ay napagdesisyonan niyang ichat na rin ang kaibigang si Olive upang sumama sa kanila. Kailangan niya ng dahilan kung sakali mang magkasalubong sila ni Blade.

"Steff, saan nga palang mall pumunta ang lintik mong kuya?" tanong niya sa babae.

"Uhm, sa CenterMall po ata eh, iyon ang paalam ni kuya kay mama," sagot ng dalagita.

"What a coincidence doon rin tayo pupunta!" palusot ni Gray sa kasama upang hindi mahalatang gusto lang niyang tingnan ang lalaki, Lucy pala ha. "May sa chismosa ka rin bebe noh? Dapat talaga hindi ka nagsasama sa'min masyado ata kitang natrain eh! Hahahaha!" dagdag pa niya.

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now