Chapter 15

9 2 0
                                    

Chapter 15

"Tita oh nananahimik na ko bato pa nang bato ng breadcrumbs! Hoy masakit sa mata, isa!" Kanina pa umiilag at nagsusumbong si Blade sa kaniyang tita Rachel dahil sa pantitrip sa kaniya ni Gray. They were supposed to help the Mrs., pero lalo lang silang nakapanggulo.

"Ganyan na pala ang bardagulan, by partner na rin!" pangungutya ni Olive habang naghihiwa ng pang fillet.

"Itong batang 'to, naiingit pa! Hayaan mo, ireto kita sa anak ng kakilala ko!" biro ni Rachel.

"Pass, Tita!"

"Pass daw, Mama kasi may nagugustuhan na! Ipakita ko sa'yo maya Ma! Pupunta raw dito!" wika naman ni Gray na tinigilan na si Blade.

"Aba, sino 'yan ha? Iyan ba yung hindi ka gusto? Alam mo ganiyan talaga ang buhay," pampalubang loob ng ina ni Gray ngunit nang-iinis lang naman din.

"Lakas mo mang-inis Ma! Hindi mo alam heartbroken si Olive nung nireject siya mga 3 minu—ARAY KO GAG0 KA TALAGA LANGGAM!!" hindi na natuloy ang pang-iinis ni Gray kay Olive nang kinuha ni Blade ang chance na iyon para paliguan ng harina sa mukha si Gray. Agad namang tumakbo si Blade palayo sa kusina na siya namang hinabol ni Gray dala-dala ang isang plato ng harina.

"Hoy huwag na huwag kayong magkakalat ng harina sa loob ng bahay! Kakalinis ko lang! Babatukan ko kayong dalawa!" paalala ni Rachel, hindi na inintindi ang kakulitan ng dalawa habang si Olive ay sumunod kina Gray at Blade upang videohan ang pangyayari.

"Hoy tama na kayo! Nakakainggit na ha!" sigaw ni Olive kaya ang ginawang tugon ni Gray ay siya ang sinabuyan nito ng harina.

"Oh, huwag ka nang mainggit ha! Mahal ka ni Lord!"

"Tanginam0 beh ganyan na talaga ang ugali mo ha!" May kinuha saglit si Olive sa bag niya at nagsaboy ng pulbos kay Gray. Ang nangyari'y tatlo na silang nagkakagulo. Si Gray na hagis lang ng hagis harina, si Olive na gayundin ang ginagawa, at si Blade na puro iwas lang. Hanggang sa putting-puti na ang putting tiles, sofa, at ibang gamit sa sala nina Gray ay hindi tumigil ang mga ito hanggang sa si Rachel na mismo ang sumigaw sa mga ito.

"Oh ano, ituloy niyo pa! Huwag kayong mahiya! Susmaryosep, kaya talaga isa lang ang anak ko eh!" sigaw nito.

"Tita, gumanti lang ako kay Gray!" ani Olive.

"Tita, umiiwas lang ako sa hagis nila!" depensa rin ni Blade pero binatukan siya ng Ginang.

"Eh sa ikaw ang nagsimula eh, magtuturuan pa kayo! Oh, ngayon. Hindi kayo kakain hanggat hindi kayo nakakpaglinis," Rachel said. Agaran namang may nagdoorbell pagkatapos niya magsalita.

"Olive, your time to shine!" Gray told Olive, to open the gate for Vester.

"Hoy gag0 ete nemen!" Olive played with her hair.

"Shh shh! Naaasiwa ako sa inyo! Buksan niyo na yung gate!"

"Opo opo! Atat si Tita?!"

Nang makapasok na si Vester sa bahay, he greeted Rachel and the others politely and looked around the house.

"Oh ayan ha! Apat na kayo! Madali na 'yan linisin! Damay niyo yung terrace!" Rachel said before going back to the kitchen.

"Mama naman!"

"Joke lang!" pahabol nito.

"Oh ito," abot ni Blade kay Vester ng walis.

"Huh?" kuryosong tanong ng binata.

"Tang4, pinaglilinis ka rin."

"Bakit pati ako?"

"Aga mo kasi dumating eh," Gray tsked.

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now