Chapter 19

6 0 0
                                    

Chapter 19

Iniisip pa ng mag-asawa kung gigisingin ba nila ang dalawa o hindi. Sa himbingng tulog ng dalawa'y tila isang krimen ang gagawin nilang paggising sa mag'kasintahan.'

"Tingnan mo, Pa, yung dalawa. Sila lang yung nagkapeng nakatulog," umiiling-iling na ani Rachel habang nilalagay ang dalawang plastic cups sa trash bags at nililigpit ang kalat sa lamesita.

"Hayaan mo na, mahal, buti nga nandito 'yan eh, kung nasa taas 'yan sa kwarto ni Gray baka mahigh blood ka sa kaba," sagot ng asawa niyang naka-upo sa sofa habang tuloy na pinapanood ang movie na hindi natapos ng dalawang bata.

"Hu! Puro ka nood diyan, tulungan mo kaya ako?" kantyaw pa ng ginang.

"Gisingin na lang natin, ang dami mo kayang ginawa kanina, Mahal, magliligpit ka pa diyan. Kaya na nila 'yan, malaki na sila," sagot ni Dark sa asawa at ginising na lang ang dalawa. Kinalabit niya lang nang kaunti si Blade ay nagising na agad itong parang nagulat pa.

"Bata ka, bawasan mo ang kape ha? Magugulatin ka na. Anyways, anong oras na, balak mo na ba tumira dito? May kwarto pa naman ditong isa, sa bodega nga lang," anang lalaki. Hinampas tuloy siya sa braso ng kaniyang asawa.

"Ginising mo talaga noh? Kung gisingin kaya kita habang natutulog ka nang mahimbing minsan?" nandidilat na saad ni Rachel.

"Hindi ho, Tita, ako na po diyan. Anong oras na po?" Kinamot ni Blade ang mata at tumayo.

"11:17 P. M. na, oh, ikaw na gumising sa isa ha. Oh kung trip mo matulog dito okay lang din naman. Subukan niyo lang may gawing kung ano dito, kakaltukan ko kayo. Tsaka yung gate!" She remarked.

"Para naman pong residente ako dito sa utos niyo. Sige ho, Tito, Tita, uuwi na lang ako after magligpit."

"Ang bait mong boyfriend noh? Hindi bobotherin ang jowa sa tulog. Yung iba kasi diyan..." hindi na natuloy ang sasabihin ni Rachel nang hatakin na siya papanik ng kaniyang asawa.

"Ayan ka na naman, Mahal! Sesermonan mo na naman ako, naririndi na ang bata!" Pinalampas na lang ni Blade iyon at tinuloy na lang ang pagliligpit ng kalat nila.

Blade only dared to wake up Gray after he is done with the chores. Parang bago umabot ng 12 in the midnight ay natapos na rin siya kaagad. "Gray? Huy," bahagyang gising ni Blade sa babae.

"Ma natutulog yung tao," hinawi ni Gray ang kamay ni Blade na yumuyugyog sa balikat nito. Natawa si Blade, halatang palaging ginigising ni tita ah, late kasi bumangon, aniya sa kaniyang isipan.

"Shh, doon ka na matulog sa kwarto mo, mas komportable doon. Uuwi na ako," He yawned. She opened her eyes. Then yawned also.

"Gago, nandito ka pa?" Kinusot ni Gray ang mata habang inaaninag si Blade. Umupo ang binata sa tabi niya.

"Nakikita mo naman, tinatanong mo pa," umirap ang lalaki.

"Anong oras na ba?" tanong ni Gray na inayos naman ang upo.

"Tanga 12 na kaya."

"Makatanga 'tong hayop na 'to. May pasok pa bukas, umuwi ka na nga!"

"Oo uuwi na. Kumusta pakiramdam mo? Inaangasan mo na ako nang ganyan, maayos na 'yan. Last na rin na sasamahan kita kapag may sakit ka," umirap ulit si Blade.

"Okay friendship over na rin ha," patol naman ng babae at tumawa nang marahan.

"Tanga mamimiss mo lang ako promise," umiling si Blade.

"Tss. Doon ka na nga! Uwi na!" Tumayo na si Gray at hinatak si Blade patayo. Nahila niya naman ito ngunit muntik siyang mabagsak dahil sa bigat ng lalaki, out of balance. Sinalo siya agad ni Blade bago pa tumama ang ulo niya sa tiles.

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now