Chapter 18

9 0 0
                                    

Chapter 18

Pagkadating na pagkadating ni Gray sa bahay nila ay nadatnan niya itong walang tao. Mabuti na lang at mayroon siyang susi. Gustong-gusto niya na lang talagamg humilata ngunit bago iyon ay kanina pa siya nakararamdam ng kakaiba, kanina pa sumasakit ang puson niya kaya alam niya na agad na mayroon siyang dalaw, putcha, masakit na nga ang ulo ko dagdag pa ng sakit 'to, bakit hindi niyo na lang ako p1natay, aniya sa kaniyang isip. Dumeretso siya sa kaniyang kwarto upang magpalit ng damit pambahay.

Bumaba rin agad ito sa kusina upang maghanda ng meryenda para sa sarili niya bago mag movie marathon sa salas maya-maya.

---

Kanina pa nagdi-discuss ang professor nina Blade ngunit sadyang hindi mapakali sa oras ang binata at tingin nang tingin sa relo. Tila wala na rin itong maintindihan sa diskusyon sa sobrang distracted nito.

"Mr. Martin," tawag sa kaniya ng kanilang guro. Doon lang nakuha ang atensyon niya.

"Y-es, Ma'am? Where are we again?" sagot ng binata.

"What's happening to you? May sakit ka ba? Kanina ka pa wala sa sarili ah," puna ng kanilang prof. sa kalagitnaan ng klase.

"I-I'm fine, Ma'am. Sorry," paghingi niya ng paumanhin.

"Anyways, kaya ka siguro distracted ay dahil kanina pa tapos ang time, so I guess, Class dismissed? Prepare yourselves for we will have an exam tomorrow." Agad namang inayos ni Blade ang kaniyang mga kagamitan bago lumakad palabas ng room.

"'Yan pa ba ang fake-relationship? Blade, really? Getting distracted because you can't help thinking about Gray? You're in danger," umiling-iling si Vester.

"Tang4, kaibigan ko 'yon, natural na mag-aalala ako," depensa ni Blade sa kaibigan.

"So, she's really the reason why you were distracted earlier? Got you," nauna nang maglakad si Vester pauwi. Blade just moved on from the conversation and immediately went to the other gate to pick-up Steffi. Talagang nagmamadali siya upang makauwi agad. It uncomfortable that Gray's sick and not with him.

---

The moment Blade arrives, he heard someone sobbing. It was Gray, obviously. Kaya naman dali-dali siyang pumasok dito bunga ng pag-aalala. Hindi niya tuloy alam ang mararamdaman nang makitang wala namang nangyayaring masama sa babae, nanonood lang ito ng pelikula habang nakahiga at umiiyak pa.

"Anong trip 'to?" he frustratedly asked.

"Andiyan ka pala, hindi kita napansin. Gag0 ang sakit kasi, sayang late ka na dumating, ire-watch na lang natin sa susunod," sumisinghot-singhot na sagot ni Gray.

"Anong part yung masakit? Ulo mo o iyang pinapanood mo?" birong tanong ni Gray bago umupo sa sofa, sa paanan ni Gray.

"Tatlo-tatlo ngayon ang iniinda ko 'oy. Dumagdag sakit ng puson ko hahaha. 'Di mo kaya, multitasking ang tawag doon," biro pa ni Gray habang umiinom ng tubig, kanina pa siya kain nang kain nang kung ano-ano sa kanila, wala ang mama niya kaya walang makakapigil sa kaniyang kumain ng mga chips at sweet.

"Galing mo rin talaga noh? Masakit puson mo pero kumakain ka ng mga pagkaing mas magpapasakit pa sa puson mo," kumuha ng chicharon si Blade na nasa lamesita, inihanda siguro ni Gray.

"Akin 'yan ah! Epal talaga nito. Tsaka kailan ka pa naging health expert? Lakas mo mang-imbento!"

"Common sense yun, kung mayroon ka noon, dapat nga alam mo rin ang mga bagay na ganoon," aniya habang ngumunguya.

"Kung naaabot lang talaga kita inagaw ko na yang kinuha mong chicharon! Akin 'yan eh!"

"Bakit hindi ba komportableng gumalaw?" nag-aalalang tanong ni Blade

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now