Chapter 10

9 1 0
                                    


Chapter 10

"Bahala siya sa buhay niya!" Gray rolled her eyes. She told Olive the quarrel, she and Blade had earlier via Zoom at tinawanan lang siya ni Olive dahil sa babaw ng rason.

"Nagsosorry ka kasi pero hindi naman sincere! Pinag-alala mo kaya yung tao! Nagchat pa sa akin iyon kung kasama ba kita kasi hindi ka pa daw lumalabas sa inyo—sayang late ko na kasing nakita!" Kuwento ni Olive.

"Wala eh, gagalit siya ngayon. Alam ko namang kasalanan ko kasi 'di ba? Hindi naman tayo biased dito pero kung galit pa rin siya hanggang ngayon, bahala na siya."

"Anong bahala na siya! May kasunduan kayo hoy! Bahala na siya bahala na siya eh may pretending kemerut kayo. Pero alam mo, good strategy yan, ituloy niyo na sa hiwalayan para wala nang problema sa idadahilan niyo sa magulang niyo kung sakali. Tapos magkabalikan na lang kayo, with true feelings naaaa! Poteek loord hanggang kailan ako maghihintaaayy!!" Si Olive rin ang kinilig sa sariling imahinasyon. Aminin man ni Gray o hindi ay maganda ang unang part ng sinabi niya, ngunit 50% sa sarili niya ay ayaw pang matapos ang aggreement nila.

Sayang ang libre, hatid, at sundo. Nag-eenjoy pa siya, kaya huwag muna. Hindig lang niya alam kung paano sila makapagpapanggap bukas nang maayos gayong may gala ang dalawang pamilya. Sa isip niya'y paninindigan na lang talaga nila ang lovers' quarrel kuno.

"Alam mo bebs, kaka manifest mo, mas lalong hindi ka bibigyan ni Lord. Ang dapat kasi expect the unexpected, reverse psychology!" ani Gray na tila ba expert na expert, may hand signature pa.

"Wow, hoy! With feelings na talaga ah!" Pangungutsa ni Olive sa kaibigan.

"Gag0! Napaka malisyosa mo talaga! Sa kaibigan ko pa ah?"

"Ikaw na rin ang may sabi my dear bestfriend na pangalawa lang ako sa favorite bestfriend kasi pinagpipilitang number 1 bestfriend niya si Blade kahit may feelings ka na talaga sa kaniya, na expect the unexpected. No one knows! Baka naman kayo na talaga ang para sa isa't isa, hindi ba?" Suhestiyon ni Olive.

"Hindi naman sa lahat applicable 'yon! Para lang 'yan sa mga may 70% probability na mangyari!" Depensa ni Gray, denying the possibility of falling in love with her childhood bestfriend.

"May pobability ka pang nalalaman obobs naman sa math!" Biro ni Olive.

Umalma si Gray,"Hoy nakaka-offend 'yan ah! Nag-aral naman ako nang mabuti noong Elementary ako!"

"Naging bulakbol lang," dagdag ni Olive.

"Kapal mo hayop ka! Balita ko noong highschool ka, mga tropa mo nang-aabang sa kanto!" Birong akusa ni Gray.

"Hoy wala kang ebidensya!"

"Meron kaya nakikita ko picture mo nung highschool ka may panyong nakatali pa sa ulo hahaha!"

"Ang kapal mo shutacakes ka! Ikaw nga uhugin ka nung grade 2 ka eh! Kita ko video sa'yo ni tita Rachel nilalayuan ka pa ni Blade kasi singhot ka nang singhot! Ahahhaha dasurb!"

"Hoy gag1 lakas mo mang-stalk ha?" Naubusan ng rebutt si Gray dahil sa sinabi ni Olive na 'yon kasi totoo. Up until now, she is being teased because of that. Paano ba naman ba, kinakausap niya si Blade noon tas biglang nanghingi ng facemask sa mama niya. Ang malala ay caught in camera.

"Sabihin mo kasi kay tita Rachel magbura-bura ng mga old posts! Hahaha nakakasira ng image 'yan!" Biro ni Olive.

"Ang harsh ha! Sana talaga abutin ng five years bago mo mahanap ang Mr. Right mo!"

"Ay beeeh! Nahanap ko na! Justin De Dios ang ngalan!" Patungkol ni Olive sa isang member ng SB19.

"Ay beeeh! Kita mo 'to?" Tinuro ni Gray ang likuran niya. Tumango naman si Olive, naguguluhan.

The Fake-Dating Plan (Plan #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن