Chapter 25

6 0 0
                                    

Chapter 25

Someone kept on calling on Gray's phone. She was ignoring it. Pauwi na sina Gray at nagdesisyon itong magtaxi na lang kasi nag-aalala siyang mabother si Steffi kapag gumamit sila ng jeep.

"Ate Gray, Kuya was calling daw. Sagutin mo raw siya," Steffi said while they were standing sa terminal.

"Bahala siya sa buhay niya," bulong ni Gray at hindi hinayaang marinig ito ng kasama niya.

Steffi's phone suddenly rang. She answered it. Hindi narinig ni Gray ang sinasabi ni Blade dahil hindi nakaloud speaker ang babae, ngunit masama ang pakiramdam niya sa magkapatid. "Yes, Kuya. Bakit? You'll fetch us? Huh?" Mukhang hindi nagkakaintindihan ang dalawa, umiling si Gray, ngunit biglang nanlaki ang mata nito nang makita ang kotseng papalapit sa kanila.

"There you are, Kuya! Kanina pa kami naghihintay ng taxi here!" ani Steffi.

Nais tumakbo ni Gray kasi feeling niya nakita siya kanina pero no choice siya sapagkat lumabas na si Blade ng kotse at pinagbuksan silang dalawa ng pinto sa kotse, silang dalawa sa harap, si Steffi sa likod. So Gray just decided to make her face fierced, mala-valentina sa darna para kunwari ay bad mood ito at walang pakialam kay Blade.

She took her earphones out at nagpatugtog na lang to avoid conversation with Blade. Habang na sa byahe ay nararamdaman niyang marahang tumitingin ang lalaki sa kaniya. Hindi niya ito pinapansin, may isang beses namang tinitigan niya ang lalaki, sa kasamaang palad ay nagkasabay sila kaya bigla niyang iniwas ang tingin. Nagkaroon pa ng heavy traffic kaya napagdesisyonan ng babaeng umidlip na lang.

Si Steffi naman, iyon, naiipit sa sitwasyon ng dalawa.

Nang makarating sila sa kanilang paroroonan ay naunang bumaba si Gray sa kotse nang walang paa-paalam. Blade sighed ngunit bigla siyang ngumiti nang kumatok sa bintana ang babae, inaasahang may sasabihin ito sa kaniya ngunit..."Steffi, bye! May ibibigay pala akong shoes sa'yo, kunin mo mamaya ha?" sumimangot ulit si Blade at kinausap ang kapatid.

"Ako na kukuha ng sapatos mo ha? Wag mo sasabihin sa ate Gray mo," nakakunot ang noong ani Blade.

"You made her jealous, Kuya! She probably saw you earlier with another girl! Hindi naman totoo that you're cheating on her right?"

"Malamang hindi, bakit ko naman 'yon gagawin, kahit pa masama ugali ng ate mo ano, bakit ba napakarami mong alam? Steffani Gwen umayos ka hindi ka pa nga graduate ng Junior High!"

"Kuya, I'm just suggesting things, bakit ka naman gumagawa ng assumptions? Plus, your pride kuya, dapat kausapin mo si Ate Gray, oh wait...did you two broke-up? Dapat sugurin ka ni ate if kayo pa rin!"

"Huwag kang madaldal ha? Itatakwil talaga kita," umirap si Blade.

"Spill Kuya! I won't tell anyone!"

"Sinungaling. Nagsumbong ka kay Gray! Ni hindi pa kumpleto yung details!" umirap si Blade.

"She was asking Kuya, our parents did not teach us how to lie!"

"Oo na. Sasabihin ko na, secret lang 'to ha? Walang kami ni ate Gray mo eversince. Ayoko lang iengage ako nina Mama sa iba kaya nagpanggap kami."

"WHAT? It wasn't true? May chemistry pa naman kayo! And yari kayo kina Mama!" Pinanlakihan siya ng mata ni Blade.

"Ikaw na bata ka napaka lakas ng boses mo! Manahimik ka kaya? Pero ano, susubukan kong ligawan si Gray, kaya ako na ang kukuha ng sapatos ha? AT MANAHIMIK KA LANG!" Pinanlakihan siya ng mata ng kuya niya, lumabas ito ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto. Lumabas na nakasimangot si Steffi. Tiningnan niya ang kuya niya at umaktong izizipper ang bibig.

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now