Chapter 4

10 3 0
                                    

Chapter 4

Kadalasan tuwing sabado ay nagkakaroon ang dalawang pamilya ng salo-salo—at doon binabalak ng dalawang aminin ang relationship nila.

"Handa na ba yung mga possible questions na pwedeng ibato sa'min?" tanong ni Gray habang nasa Zoom meeting silang apat. Humingi na ang dalawa ng tulog sa mga kaibigan nila.

"My dear best frieend na magiging number 1 bestfriend ako soon kapag naging totoo na ang relationship niyooo! Syempre naman! Pati mga possible answers pwede niyo na kabisaduhin! Sinend ko na sa GC," sagot ni Olive.

"Mas naghanda pa ata kayo dito kesa nung ginigisa tayo nung Senior High tayo sa research hahaha," biro ni Blade.

"Aba siyempre! Hindi mo na magiging best friend ang best friend ko kapag naging kayo na eh! Magpakaboyfriend ka na lang kasi Blade!"

"Agree," pagsang-ayon ni Vester habang tumatango-tango pa kay Olive.

"Dami niyong alam!" saad ni Gray.

"Hoy Vester! 'Di ba't sabi mo ayaw mo kay Olive! Bakit mo kinakampihan? Nakakapagselos naman sabi mo ako lang!" malung ko na wika ni Blade na tila ba apektado pa.

"Isa ka pa batukan kita diyan eh! 'Di mo na lang tingnan yung sinend at talagang gumaganyan pa eh!"

"Dami mong ebas, Nanay ba kita?"

"Tables had turned?" nang-iinis na sabi ni Olive sa dalawa habang pinapanood itong mag-away.

"Tables HAVE turned," itinama naman ni Vester ang grammars nito.

"Gag1 iniba na? Kaya talaga hindi ko inisip pumasok sa course niyo eh! Bine-brain wash nila ang tao sa mga tama o mali! Tapos ngayon binabago pa nila ang mga pronounciation?"

"Ipaglaban mo 'yan biii!" Naiiling na lang silang tatlo sa tinuran babae.

---

"Kailan pa 'to ha?" taas kilay na tanong ni Olive. Pinapractice na nila ang mga lines na sasabihin sa kanila.

"Last month po."

"Last 2 weeks po."

"Oh sino tama sa inyo? Bakit ganyaan! Halatang scripted eh!" komento ni Olive. Si Vester naman ay mukhang may tinatapos kaya hindi masyadong focus sa ginagawa nila.

"Kapag tinanong, dapat Blade ikaw ang sasagot, sasabihin mo: Tita, Tito, pasensya na late namin na amin, last month po. Kinakabahan lang kami sa reaksyon niyo," emosyonal na saad ni Olive.

"Eh?" sagot ni Blade.

"Korni ng tropa mo Gray ako na gagawa ng script ko ganito. 'Ano, last month po. Ngayon lang po namin nasabi kasi si Mama balak ako ipakasal sa iba," dagdag niya pa.

"Oh sige sabihin mo 'yan kakaltukan ka ni Mama," umirap si Gray.

"Sige eto na lang final na talaga, yung realistic dapat eh," aniya.

"Sasagot ba kayong dalawa o kakaltukan ko kayo pareho? Sabi ko na eh kaya talaga may hatid-sundong nangyayari eh!" sigaw ng ina ni Gray.

"Ito na nga Tita-"

"Hindi Blade 'wag kang sumagot! Dapat si Gray ang sumagot nito! Grabe! Para namang hindi mo ko Mama, paano nagawang magsinungaling?" aniya pa na wari'y emosyonal.

"Wala sa script namin 'to ah," saad ni Gray sa isipan na namamawis na kahit air-conditioned naman ang dining area nina Gray.

"Rachel! Tinatakot mo yung dalawa eh! Para naman hindi natin napapansin 'yon in the past few weeks! Saya mo pa nga eh!"

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now