Chapter 12

13 1 0
                                    

Chapter 12

"Hala seryoso ka? Ganyan lang talaga katangkad si Rizal? Tingnan mo oh, mas matangkad pa ang isang Grade 8 student!" komento ni Gray nang madaanan nila ang isang istatwa ni Rizal.

"At least si Rizal, kulang sa height, ikaw kulang sa brain cells," pangungutya ni Blade.

"Hoy! Below the belt! Hindi naman importante ang talino eh! Ang importante well-mannered!" depensa ni Gray.

"Oo na lang, batas ka 'di ba?!" ani Blade at inakbayan si Gray. Kung makatingin naman sa kanila ang pamilya nila ay parang may malisyoso silang ginawa, nakangiting aso. Umirap tuloy si Gray.

"Tuloy na nga tayo! Nakakainis naman kayo!" namumulang sambit ni Gray at bahagyang kumawala sa akbay ni Blade ngunit ang kamay naman nito ang hinawakan ni Blade.

"Pa! Ganyan din tayo nung college tayo eh!" panunukso ni Rachel sa kaniyang asawa.

"Oo, 'di ba tumatakas pa kayo noon para magdate?" biro naman ni Annaliese.

"Past is past na," biglang sabi ni Rachel. Natawa naman ang mga asawa nila. Nagsimula ang pagkakaibigan nilang apat noong patagong nagdate ang mga magulang ni Gray noong high school sila, ang mga magulang ni Blade ang pinagtaguan ng dalawa ngunit hindi rin nagtagal ay nalaman rin ng mga ito kaya wala na ring ibang naging dahilan pa para magtago, mas naging madalas pa silang naging magkakasama.

"Buti nga ang dalawang ito eh walang tinago sa'tin eh. Hindi katulad ninyo nung mga bata tayo bad influence kayo," ani Annaliese. Tila ba nakaramdam ng goosebumps sina Blade at Gray, ang kaninang natutuwang nakikinig ay biglang sumimangot at mukhang naguguilty.

"What happened to the both of you? Para kayong nakakita ng multo!" Steffi said while looking at the both of them.

"Ah eh, oo eh! Parang nakita ko si Jose Rizal na kumakaway doon!" sambit ni Gray kahit imposible ganoon pa rin naman ang nakikita nilang magkaibigan, patay, kamatayan kapag nahuli sila ng mga magulang nila.

They even visited other places in Fort Santiago before moving on to another place, in Rizal Park to have a picnic.

"Gag0 ka hindi ka ba naguguilty?" nakabulong na tanong ni Gray sa katabi habang na sa van sila.

"Ano akala mo sa'kin? Manhid? Malamang, oo!" Hindi talaga makakaalis si Blade sa bahay nila nang hindi nito dala ang ipad o laptop niya. Kahit saan siya magpunta ay dala niya iyon dahil sa bawat dinadaanan niya ay mayroon siyang naisusulat. He replied to Gray without even looking at her because his attention is on his ipad.

"I can't figure out if this is love

Or I am just infatuated.

But I assume, that

I enjoy every second of seeing her happy,

Do I need to rush?

To know the truth

Knowing that I might

Lose the chance," binasa ni Gray ang nasa ipad ni Blade. Agad na pinatay ni Blade ang tab niya dahil doon at tinitigan si Gray.

"Angas noon ha? Nice one! Free verse tawag diyan 'di ba?" ani Gray.

"Oo, binasa mo agad, iniipon ko nga 'yan," umirap ni Blade.

"Ate chona ka? Hindi bagay!" pang-iinis ni Gray.

"Ayos ka rin noh? Ako pera iniipon ko tas ikaw mga tula? Hahahaha!" dagdag pa ni Gray.

"Nag-iipon daw. Lagi ka ngang may parcel galing sa shopee," ani Blade nang pabulong at tumingin sa may bintana.

"Gag0! Wala akong pang rebutt doon ah! Totoo kasi! Hahahaha!" sagot ni Gray. "Pero seryoso na, gago ka hindi mo manlang ba iniisip na magagalit sa'tin sina tita-"

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now