Chapter 20

7 0 0
                                    

Chapter 20

"Gag4 ka, totoo nga?" gulat, kahit ineexpect nang tanong ni Olive. Tumango ang kaibigan niya.

"Shocks bakit hindi ko alam? Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" tanong ni Olive.

"Required ako sabihin 'yan? Ano ba kita? Konsensya?" sarkastikong tanong ni Gray.

"Tsaka ano, basta, kung hindi siya aamin sa'kin, ay 'di hindi rin ako aamin. Mawawala rin naman feelings ko. Na-attach lang kasi mas nagkasama kami nung nakakaraan. Dati akala ko if-friendship over ko na lang 'yon eh, laging busy." Umirap si Gray.

"Gusto ka rin noon! Hindi ba nga't hindi na busy ngayon palagi? Naglalaan na ng oras sa'yo teh. Promise sayang feelings mo kung kakalimutan mo lang!" Olive urged Gray.

"O-okay lang 'yon kaysa mapahiya ako noh! Tsaka kapag hindi ako gusto noon tas umamin ako, tanga baka iwasan ako. Ayoko nu'n." Umiling ang babae at sumimsim ng kaniyang kape.

"Ay ganoon? Alexa, play I knew you were trouble (Taylor's Version) by Taylor Swift."

"Magtigil ka, hindi kita tutulungan dito sa report tingnan mo lang," Gray glared at her friend.

"Joke lang. Mamaya na natin pag-usapan yung topic na 'yon. Concentrate ka na diyan ha? Baka mamaya ang matype mo diyan ay "Blade ako na lang," hahahahhaha!" tumatawang ani Olive habang kumakain.

"Kapal ng mukha mo, Olivia Marie Joy Batumbakal, ikaw ang gumagawa niyan! Aminin! Naka-manifesting 'yan sa notes mo noh? Hahahahaha!" ganti ni Gray.

"Huy 'wag mo naman ako ineexpose! Joke gaga hindi ko ginagawa 'yun, fake news ka talaga," umirap na lang ang kaibigan ni Gray habang nagtatawanan at nag-iinisan sila.

"Baka within three days matapos natin 'to kung simulan na natin ngayon kahit hanggang mamayang gabi, pero ang matatapos lang ng three days ay yung sa research natin sa topic, product design, at script sa reporting. Tapos teh, may two days pa tayo for revision and presentation, kapag tinamad na talaga tayo icanva na'tin yarn hahahaha!"

"So okay na bang kape na lang yung ambag ko? Dagdagan na rin ng cupcakes. Ako na rin maglagay sa presentation na template lang sa canva. Okay na ang dami ko nang ambag ha?" biro ni Olive.

"Uto mo. Marami pa tayong gagawin huwag ka na chumika!"

---

"Ganda ng vocabulary mo mhie ah? Porenjer ka talaga noh?" biro ni Gray habang pinapanood ang ginagawa ni Olive.

"Huy shh lang. Secret lang 'yun," arte ni Olive sa kaibigan na tila ba agree sa ani Gray. Magsasalita pa sana si Gray nang may magring sa kaniyang cellphone, sumenyas ito sa kaibigan at sinagot ang tawag mula kay Blade.

"Hello," saad ni Gray.

"Saan kayo? Hindi niyo ako sinama," tanong ni Blade.

"Sa coffee shop nga 'di ba? Tsaka for school purposes 'to, hindi ka belong! Hindi pa kami tapos sa ginagawa namin eh," sagot ng babae.

"Sa bahay na lang kayo. Mahihirapan kayo umuwi niyan sige, 7 PM na," mahinahong paalala ni Blade sa kaibigan niya.

"Ows? Sige saglit na saglit na lang."

"Saang coffee shop ba 'yan? Sunduin ko na kayo. Order mo na rin ako ng iced coffee at dalawang box ng desserts, ikaw na ang bahala sa kukunin mo," request ng lalaki.

"Eh? Babayaran mo ako? Anthony Blade wala akong pera panlibre sa'yo!" reklamo ni Gray.

"Oo ako magbabayad, promise! Para namang ililibre mo ako! Hindi niyo ako inaya kanina kaya hindi ko kayo nilibre. Sayang! Anyways, bili ka na rin ng para sa inyo ha? Pakita mo na lang iyong resibo sa'kin."

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now