Chapter 22

5 0 0
                                    

Chapter 22

A cellphone call from Gray's phone has waken her up aftern exhausting long night of overthinking and making a decision thoroughly. It was Blade. 6:30 A M na pala. Sinadya naman niyang hindi gumising talaga nang maaga dahil bukod sa tanghali ang pasok niya ngayon, naisip niya munang lumayo, kahit malapit lang sila.

Hindi na niya sinagot ang tawag ng kaibigan dahil wala siya sa mood magsalita lalo pa't nalalasahan niya ang panis niyang laway. Bagkus, chineck niya ang inbox niya.

Langgam

Active now.

Langgam:

Woy

Huy

You missed a call from Langgam.

Hoy

Pst

Nagrereklamo na si Steffi

Tulog ka pa?

Ano ba sched mo ngayon?

Lock bahay niyo, umalis pa ata sina Tita.

You missed a call from Langgam.

Uso gumising, Gray ha

Puyat na puyat ka yata?

Macadamia:

Sorry, na late ng gising.

Wala ako classes this morning, nakalimutan ko sabihin.

Mauna na kayo, ingat.

Gray sighed and then recalled what happened yesterday.

---

"Gray may pogi oh!" Nakuha ang atensyon ni Olive mula sa pagla-layout nang may dumaan na gwapong nilalang sa gilid nila.

"Diyan ka magaling eh, nakakakita ng attractive na lalaki, pero hindi alam ang attractive colors!" sarkastikong sagot ni Gray. "Gaga, ekis, sa political science building pumasok," dagdag niya.

"May mga exceptions naman kasi sa mga taga pol scie!"

"Nandito ho kami ha? Nakakarindi boses niyong dalawa," umirap si Blade habang ngumunguya ng burger at may ginagawa rin sa laptop niya, may sinusulat katulad ng dalawang babae na busy rin. Sa kabilang banda, si Vester naman ay walang magawa sa buhay kung kaya't sinamahan ang kaibigan nila. Ngunit tinutulungan pa rin naman nina Blade at Vester ang dalawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ideas sa paper nila, engliish major mode on.

"Basic, feel free to go," ngumiti si Gray dito, ngiting nang-iinis. "Oo, kapag naman iniwan, magagalit," bulong ni Blade.

"Selos lang 'to si Blade eh, huwag ka mag-alala, pareng Blade, sa susunod iuuntog kita sa pader nang mga sampung beses para matauhan ka na at makaamin ka," tumatango-tangong ani Olive na akala mo ay effective talaga ang ideya.

"Tss. Kapal ha," ani Blade.

"Hu! Kunwari ka pa! Huli ka na kaya! Nababasa ko 'yang sinusulat mo!" pang-iinis ni Olive, agad namang iniwas ni Blade ang laptop upang hindi mabasa ng katabi niyang si Olive.

"Bakit? Masyado bang relevant ang sinusulat nitong uto? Ano 'yon?"

"Prose and poetries 'yan." Si Vester ang sagot, palagi namang iyon ang pinagkakaabalahan ni Blade, pagsusulat.

"Yes naman!" pang-iinis ni Olive sa dalawa at tinutulak-tulak pa si Blade papalapit kay Gray, iwas naman nang iwas si Gray upang hindi siya matamaan. Dumagdag pa sa isipin ni Gray kung para kanino ang mga iyon, she was hopeful yet hopeless. Nanatili silang ganoon hanggang sa kinailangan nang umuwi nina Gray at Blade dahil kakailanganin pa nilang daanan ang kapatid ni Blade.

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant