Chapter 9

10 1 0
                                    


Chapter 9

"Huhuhuhu! Gray nakakainis kaaa!!" Umagang-umaga, ang mga katagang iyan ang sumalubong kay Gray pagkarating sa eskwela.

"Ano na naman ba?" Gray asked Olive.

"Tinatawagan kita kagabi tapos in another call ka? Nakakatampo! Brokenhearted pa naman akooo!!!" pagwawala ni Olive at may luha pa.

"Bakit? Bakit?" puno ng pag-alalang tanong ni Gray sa kaniyang kaibigan.

"Wala! Hindi raw interested sa'kin. Ganito pa yung sabi oh, 'I am not interested in you.' Oh, hindi ba! Nakakaiyak! Huhuhu," she copied the tone of Vester while saying his line.

Tinapik nang tinapik ni Gray ang balikat ng kaibigan. "Ganiyan talaga ang buhay. Kaya mo 'yan. Cheer up," pasunod niya.

"Kailangan ko ng comfort kagabi tapos, ano? Busy ka sa bebe time! Walang respeto ah!"

"Dami mong alam. Alam mo, ganiyan talaga. Minsan marereject ka, pero mas madalas naman yung ireject ka pa rin pero in a nice way! Oo atleast hindi ka naman mukhang napahiya!" pampagaang loob na saad ni Gray.

"Makapal naman mukha ko kaya okay lang mareject ako kaso naman kasi, ang sakit lang! Aba ganda ko na, mabait naman ako, tsaka..." Napaisip pa si Olive sa mga magagandang bagay ukol sa kanila.

"Hay nako. 'Wag mo na isipin si Vester. Ito naman. Ilibre na lang kita mamaya! Hanap ka na lang bagong crush. Kala naman kasi walang reserba eh ang dami mong crush sa listahan mo!" Gray accused.

"Hoy! Secret lang 'yun!"

"Tamo!"

"Kahit na 'di ba! Nahurt pa rin ako! Palibhasa hindi mo alam ang pakiramdam mareject!"

"Wow! Pasensya ka na be ha, hindi naman kasi ako umaamin! Pasenya ka na talaga ito lang kasi ako eh!" Gray said sarcastically.

"Nadulas ka rin! So, meron ka talagang gusto ngayon pero hindi ka lang umaamin? Aba alam ba ito ni Blade? Brokenhearted 'yon mal-" Tinakpan na ni Gray ang bibig ng kaibigan at tinitigan ito nang masama. Nasa loob kais sila ng classroom at hindi malabong may makarinig sa kanila kahit mukhang may mga sariling mundo naman ang mga kasama nila.

"Ay sorry hehe! May secret nga-" Hindi pa natatapos ang paghingi ng tawad ni Olive at tinakpan na naman ni Gray ang bibig nito dahil mukhang may sasabihin na namang hindi maganda. Pagkatapos noon ay nanahimik na lang sila dahil dumating na rin ang Prof. nilang minsan lang magpakita.

---

"Pero hoy gagi ka! Totoo talagang may gusto kang iba ngayon? Wala ka namang ibang kasama lagi bukod saming tatlo ah! Siguro nagdownload ka ng mga dating apps noh!" Dahil wala silang klase sa hapon ay nagawang lumakwatsa ng magkaibigan.

"G4g4! Hindi ako gumagamit ng ganoon! I'm a busy person! Marinig sa'yo yan ni mama, pareho tayong lagot!" Tugon ni Gray sa kaibigan.

"Si tita naman kamo! Gusto ko pa naman sana magpaampon!"

"Hoy grabe ka sa nanay ko! Hindi naman nakakatakot magsermon yon, mga 6/5 lang ganoon," biro niya pa.

"Magkaugali kaya kayo! Ewan ko ah, medyo perfectionist si tita, gusto nakaayos lahat, organized, tsaka strikta! Hoy nung once kang naging leader sa group project natin gusto mo balanced lahat ng ginagawa! Noong nakita mong walang ginagawa si Andrei noon 'di ba pinagalitan mo! Ganoon si tita!" Kuwento pa ni Olive.

"Hindi ko napapansin, eh. Basta maganda ako tulad ng nanay ko okay na!"

"Ang hangin mo hayup ka! 'Di hamak na mas lamang ang ganda ko sa'yo!"

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now