Chapter 17

5 0 0
                                    

Chapter 17

The alarm rang and Gray woke up. Papatayin lang dapat niya ito ngunit kinakailangan niya nga palang bumangon sapagkat may klase pa siya nang maaga. She looked at the walls in front of her. She looked back at what happened last night. It was not even special to her but there was spark, hindi siya manhid, medyo lang, at lalong hindi kumpleto ang high school life niya kung hindi siya nakaexperience ng mga M.U. na tinatawag o mutual understandings, kaya hindi na rin lingid sa kaalaman niya na nagkakagusto na siya sa kaibigan niya, thus, inalis niya na lang doon ang isipan niya, masyadong komplikado pa ang umiikot sa utak niya, at ayaw niya sa bawat konklusyong nilalabas ng mga brain cells niya. Mawawala rin naman 'yon, crush pa lang naman siguro, sa isip-isip niya.

Then suddenly, she felt something in her head, "Sh1t migraine is real!" inda niya. Gayunpaman ay tumayo pa rin siya upang maghanda sa eskwela. Major ang papasukan niya ngayon, walang migraine-migraine.

---

"Oh, nandiyan na pala ang anak mo, Lewis," salubong kay Gray ng kaniyang ina habang naghahain ng agahan nila.

"Galit ka pa rin? Sorry na nga 'di ba?"

"Oh, Mama! Aalis ka rin? Tsaka magkaaway na naman kayo?" Umupo si Gray sa hapag-kainan.

"Inaaway na naman ako ng mama mo," wari pa'y sumbong ng kaniyang ama.

"Pa-victim pa ang gag0," umirap si Rachel.

"Saan ba punta niyo, Ma? Hindi ka naman siguro maglalayas noh?" biro niya sa kaniyang ina.

"Aba kung lalayas ako, isasama kita, wala kang maaasahan diyan sa ama mo, Sunday lang hindi pa mailaan sa pamilya. Tsaka papasok ako ngayon, kailangan lang ang pinakamagandang head ng department."

"Hindi na nga mauulit, sorry na talaga, alam mo namang mahal na mahal kita eh," nandiri bigla si Gray sa mga sinasabi ng magulang niya.

"Sweet niyo naman. Sana habulin kayo ng mga langgam," komento pa niya.

"Hindi ako mauuto ng ama mo. Bahala siya sa buhay niya. Kumain ka na diyan, may pasok ka pa 'di ba?"

"Opo."

Gray still felt some headaches even after she finished her meal. Pinabaunan na lang siya ng kaniyang ina ng biogesic at tubig. Aniya pa'y magpahatid na lang kung hindi na kaya. Sinubukan ring pilitin pa ni Rachel na huwag na papasukin sa klase ang anak ngunit mapilit si Gray kaya wala silang palag.

"Oh, hindi ka na pala namin ihahatid ha? The lover boy is here!" mapang-inis na ani Dark, hinampas siya ng misis niya sa balikat.

"Blade, ikaw na ang bahala diyan ha? Tinuan mo, ikaw lang ang matino sa inyong dalawa. Ikaw naman Gray, yung sinabi ko sa'yo, napakakulit mo kasi!" paalala ni Rachel sa mga ito bago pumasok sa kotse nila.

"Hindi naman ho ako elem!" sagot ni Gray.

"Sige po, Tito, Tita, ingat po!" sagot din ni Blade sa dalawa.

Pagkasakay ni Gray ay nasa likuran si Steffani. Binati niya ito.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Blade rito nang makaalis na sila.

"Oo naman, ako pa? Masakit lang ulo ko," sagot ng babae.

"Uminom ka ba ng gamot?"

"Oo, muntik pa nga ako mabulunan eh!" biro ni Gray habang nakahawak sa noo at minamasahe ito.

"Sabi naman kasi sa'yo 'wag mo pipiliting magbasa ng mga classiscs kung hindi mo kaya, ayan sinakitan ka ng ulo," birong paalala naman ng lalaki.

"Kapal mo!" hinampas siya ni Gray sa balikat.

The Fake-Dating Plan (Plan #1)Where stories live. Discover now