Chapter 2 - First Meeting

737 27 1
                                    

"Anong gusto mong ipabili?"

Himala. Naisipan atang manlibre ni ate ngayon. Ang aga palang kasi at nakabihis na siya. May pupuntahan siguro ito sa work niya. Kahit naman busy siya, hindi pa rin siya nawawalan ng time kay mama at sa cute niyang kapatid.

"Di ko sure ate. Surprise mo ko?" Sabi ko na lang. Tumango-tango siya, "Sige wala akong bibilhin sayo."

Bakit ba ganto itong kapatid ko? Napansin siguro niya yung pagsimangot ko kaya nilapitan niya ako at ginulo ang buhok kong bagong suklay.

"Ate ginulo mo yung buhok ko!" Naiinis kong sabi pero nawala rin nang may sinabi ulit siya, "Diba gusto mo yung mga stationery. Kita ko nung isang araw nagtitingin ka non sa phone mo kaya naisipan kong bilhin na lang. Wag ka mag-alala binayaran ko na yon. Antayin mo na lang dumating."

Yung ngiti ko beh abot-langit. Kaya mahal ko tong kapatid ko eh.

Umalis na siya pagkatapos niyang magpaalam kay mama. Si papa kasi maaga na ring umalis kanina papunta sa trabaho kaya natira na lang kami ni mama ngayon sa bahay. Tinutulungan ko naman si mama sa mga gawaing bahay habang bakasyon ko pa. Nung may klase pa kasi, si mama lang yung naiiwan dito mag-isa sa bahay.

Umakyat na ako papunta sa kwarto. Umupo ako sa kama at tinitigan nang matagal yung pader. Vini-visualize ko kasi yung mga design na ilalagay ko dyan once na dumating na yung inorder sa akin ni ate Lisa. Ang cute lang kasi ng mga nakikita kong posts about sa mga room decors. Ang aesthetic lang tingnan kaya naisipan ko what if lagyan ko rin ng design yung kwarto ko. Baka kasi sipagin na ako mag-aral once na makita ko yung aesthetically pleasing kong kwarto. Ehehe enebe.

Yayain ko kaya si Ningning para magpatulong?




"Yayain saan?" Tanong ko. Nandito na naman ulit ako kila Ning. Sunod-sunod na araw na ata ang pagpunta ko dito.

May narinig kasi ako kaninang sumisigaw tapos sumilip ako sa bintana and I instantly regretted it. Ay taray. Pero ayun nga, si Ningning pala itong sumisigaw sa tapat namin. Nakakahiya, ang lakas pa man din ng boses niya kaya agad akong bumaba para sawayin siya. In-announce ba naman kasi sa mga kapitbahay namin na mag-apply kami sa isang school. Ang lakas pa ng pagkakabanggit niya sa name ng university. Jusko ka day paano kung hindi tayo nakapasa sa school na yon ano na lang ang mukhang ihaharap natin sa mga kapitbahay. Ang sabi ba naman sakin ni gaga, wala silang pake. Edi okay, tama nga naman siya.

"May nakita kasi ako kaninang shared post na start na ng application period bukas ng TEU kaya sabay na tayo mag-apply."

Tiningnan ko lang siya. "Hindi mo ba alam na luluwas ako pa-Maynila para doon na mag-aral?"

"Winter!"

"Joke lang 'to naman hindi mabiro sakit ng hampas mo ah."

Napagplanuhan kasi namin dati na kung saang school mag-a-apply ang isa, doon rin ang isa. Walang iwanan lang ang peg namin ni ate kaya nang malaman naming start na ng college applications sa ibang mga university, agad na kaming nagpasa ng mga requirements. Inaantay na lang namin ngayon kung nakapasa ba kami at saka kami magdedecide kung saan mageenroll if ever.

Kanina kasi may nakita itong si Ning na magsisimula na rin ang college application sa university na malapit dito sa bayan namin. Syempre ita-try rin namin dito mag-apply. Nagbabakasakali kasi ito na yung pinakamalapit na university if ever.

"Try kaya natin sabihan sila Giselle at Ryujin para sabay-sabay na lang tayo."

"Ay oo ganda yang idea mo."

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora