Chapter 8 - Search Result

452 21 2
                                    

Kanina pa ata ako nakatitig sa kisame ng kwarto ko, nag-iisip.

Ano yung naramdaman ko kanina?

Kinakabahan tuloy ako.

May sakit kaya ako?

....Malapit na kaya akong ma-tegi?

Hindi pwede!

Hindi ko pa nga nakikita in-person ang blackpink kaya hindi pa pwede. Hindi pa rin ako nagkakaroon ng jowa kaya no way na mangyayari yon anytime now.

Kanina pa rin ako nagtatry maghanap ng results sa google kung ano nga ba yung naramdaman ko kanina pero puro nakakatakot na results ang lumalabas.

I refuse to believe na may sakit ako sa puso!

Healthy naman ako ah. Hindi naman na ako masyado nagkakasakit in the past 4 years. Ang tagal na rin simula nang ma-dengue ako. Grade 8 pa ata ako non.

Pero kung wala nga akong sakit, ano namang tawag dito?




Kami kami lang naman yung nagcelebrate ng birthday ni Karina kanina. Nagkaroon rin kami ng kaunting katuwaan. May gamit kasi sila Giselle na pang-karaoke tapos itong si Ning naman nagustuhan yung idea na mag-videoke raw kami. Kaya ayun, todo kantahan lang kami kanina.

Mukhang masaya naman si Karina habang pinapanood sila Ning at Gi na mag-agawan sa mic. Para silang mga bata.

Yung term na yon nasabi ko ata ng malakas kaya ako yung sunod nilang pinakanta. Wala naman problema sakin yon kasi mahilig rin ako kumanta lalo na kapag mag-isa ko lang. Ang kaso lang, ang dami nilang nanonood sakin ngayon. Nahiya naman ako bigla. Baka kasi madiscover ako tapos sumikat pa ako. Naku matutuwa si mama kapag nangyari yon. Yung cute niyang anak, sikat na.

Sanay na rin ata ang mga shunga sa kahanginan ko at di na nila pinansin yung sinabi ko. Malamang, pare-pareho lang naman kami dito. Kaya nga kami naging magkakaibigan dahil don.

Amused pa si Karina na pinapanood ako habang naghahanap ako ng kanta sa karaoke.


Three little birds sat on my window

And they told me I don't need to worry

Summer came like cinnamon, so sweet

Little girls, double-dutch on the concrete


Ang ganda lang ng song na yan kaya yan na lang kinanta ko. Proud naman ako habang kumakanta. Alam ko naman kasing may ibubuga rin ako. Ako lang 'to.

Sila Ningning na ulit yung sumunod after ko kumanta kaya kinain ko na lang yung slice ng cake na binili namin kanina. Nakakauhaw rin pala kapag nasosobrahan masyado sa matatamis kaya pumunta muna akong kusina nila Giselle para kumuha ng tubig.

Wala yung mga magulang niya ngayon at may iba pa silang inaasikaso. Kakaalis lang nila kanina pero bago sila umalis ay binati rin muna nila si Karina.

"What are you thinking?"

Napabalikwas naman ako don. Muntik ko pang mabitawan yung hawak kong baso. Grabe naman 'tong si Karina, nanggugulat.

"Oh sorry. Did I interrupt you?"

"Hindi naman. Kumuha lang talaga ako ng tubig," sagot ko naman. Umusog ako ng konti sa counter kasi baka iinom rin siya. Kumuha na rin siya ng isang baso doon sa rack at saka nagsalin ng tubig.

Huwag Kang Pa-fall! | Winrinaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें