Chapter 27 - Hershey's Kisses

420 12 1
                                    


Sabi nila, kapag in love ka, tumitigil ang mundo mo, bumibilis ang tibok ng puso mo...at..

At...

Tabi!

Huh?

Walang anu-ano'y may biglang bumangga sa akin. Aray ko!

Galit kong tiningnan kung sino man yung bumangga sa akin. Ang sakit lang ng pagkakabagsak ng pwet ko dun.

Teka, nasa langit na ba ako?

Anghel ba 'tong nasa harapan ko?

"Winter!"

Dahan-dahan kong minulat yung mga mata ko at nabungaran ko yung mukha ng kapatid ko.

Nasaan na yung angel?

"Alam mo ang pangit mo pa rin matulog hanggang ngayon. Gising na tanghali na."

It took me a second para marealize na nananaginip lang ako kanina.


You know I can't smile without you

I can't smile without you

I can't laugh and I can't sing

I'm finding it hard to do anything


Unti-unting naging maaliwalas ang mukha ko at tiningnan ko si ate Lisa na inaantay pa rin akong bumangon.

"Good morning, ate!"

Good morning world!

Bumangon na ako para makapaghilamos. Ang ganda lang ng gising ko ngayong araw. Iniwan ko na doon sa kwarto si ate na confused lang akong pinanood. Walang makakasira ng mood ko ngayon.

"Good morning, ma!" bati ko kay mama na kakatapos lang kumain ng almusal.

"Tapos ka na kumain? Ako na bahala maghugas ng plato," Kinuha ko na yung pinagkainan niyang plato at nilagay sa lababo.

"Kumain ka na muna dyan at itutuloy ko na maglaba," Tumayo na si mama at naglakad paalis. "Ma ako nang bahala sa mga labahin. Kaya ko na yun," sabi ko sa kanya.

"Nasimulan ko na yun, ikaw na lang magbanlaw. Yung mga damit panloob natin hindi pa nakukusot, ikaw na lang maglaba non."

"Sige ma ako nang bahala."

One last glance sa akin ni mama at tuluyan na siyang umalis at nagsimula na rin akong kumain ng agahan.


You came along just like a song

And brighten my day

Who would have believed that you were part of a dream

Now it all seems light years away



(Fri, 7:36 A.M) Winter:       good morning!!!

(Fri, 7:37 A.M.) Karina:     good morning babe <3

                                                      you're up na pala

(Fri, 7:37 A.M.) Winter:      hehe syempre!


Napansin ko yung naka-save na name ni Karina sa phone ko. I-change ko ba yung name niya?

Hmm ano bang pwede?

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora