HKP: The Outtakes 2

245 13 3
                                    

Sana All No More


Context: Pagod na si Winter kaka-sana all.


Two weeks na rin ang nakalipas simula nang makita ko yung nakakagulat na pangyayari sa phone ko na ikina-panic rin ng jowa ko.

Kasi naman.

Sa sobrang gulat ko, bigla akong napasigaw.

Parang bigla pa atang hininto ni baby yung sasakyan just to check on me.

Baby okay lang ako promise.

Nakita ko lang kasi yung comeback news ng BLACKPINK that time.

Totoo ba talaga 'to?

Baka naman fan made lang.

Tapos napansin ko na yung verified button.

Totoo nga.

FINALLY.

Sa loob ng mga araw na 'yon, gabi-gabi na rin akong nagpupuyat kakaabang ng teaser.

Nadadamay ko na nga rin yung jowa ko na magpuyat.

Huhu I'm so sorry baby.

Priorities first.

"1 minute left.." sabi ni Karina sa kabilang linya.

Katulad ko, nakaabang na rin siya sa new post ni YG.

"10 seconds.." sabi ko naman at paulit-ulit ko nang pinipindot yung refresh icon sa twitter.

5...

4...

3...

2...

1...

Gusto kong sumigaw.

Ang ganda shet ready na akong puma-heaven.

"I really like their concept. They look so gorgeous sa mga teasers babe.." I heard Karina was saying something pero pilit ko pang pinapakalma muna yung inner feels ko.

Narinig ko pang tumatawa na lang yung jowa ko nang matulala na lang ako.

"Babe.." simula ko. Napahawak ako sa puso ko nang nilingon ko na si Karina. She was just looking at me curiously. Siguro naiisip na niyang nababaliw na ako dito. "Bakit ang ganda-ganda nila..!" paiyak kong sabi.

"Wow ha dapat na ba akong ma-offend?" nakataas ang kilay pero pabirong sabi niya.

"Di ka pa inaantok?" tanong ko sa kanya. Actually paulit-ulit lang rin yung tanong ko na yan sa kanya sa loob ng ilang araw naming pagpupuyat. Hindi ko naman siya pinipilit na samahan akong maghintay ng teasers gabi-gabi pero sabi niya it's her own will naman daw at curious rin siya kung ano nga ba ang meron sa BLACKPINK.

Of course ano pa nga ba? Talent, visuals, good music, name them all, nasa kanila na ang lahat.

"You'll sleep na ba?"

Tumango ako, "Oo, nakita ko naman na yung teaser. Ikaw ba?"

"Hmm, okay I'll sleep na rin."

"Okay."

Akala ko ibababa na niya yung call pero nakatingin lang siya sa akin.

"Ano yon? May nakalimutan ka ba?"

"I think ikaw yung may nakalimutan," Tinaasan na niya talaga ako ng kilay for real.

I laughed, "I love you, Karina."

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaWhere stories live. Discover now