HKP: The Outtakes 4

299 7 2
                                    


Di Na Mag-iisa


"Huy tara sa friday ah. Clear niyo na sched niyo."

"Gaga may klase kami."

"Ah basta dapat pumunta tayo!"

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko dito sa boarding house. Lahat kami naghahanda nang umuwi sa sari-sarili naming mga bahay. Bigla kasing na-cancel ang mga face-to-face classes namin dahil sa transport strike na magaganap sa susunod na linggo. Dapat kasi pinaplano muna nang maigi ng mga namumuno dito sa bansa kung ano ang mga magiging epekto nito sa mga jeepney drivers bago nila ito isakatuparan. Marami rin kasing mawawalan ng trabaho kapag ginawa nila ito lalo na at malaki rin ang kailangang bayaran ng mga drivers sa mga modern jeep.

Kaya ayun, naisipan na lang naming umuwi na lang kung online class lang rin ang ganap dahil medyo matagal na rin ang huli kong uwi sa bahay. Naglaba na muna ako ng mga damit ko kahapon para wala na akong masyadong dalhin kapag umuwi ako. Hassle rin kasi na magbitbit pa ng mga labahin pauwi.

"G ka Winter?"

"Oo basta G kayo."

"Syempre minsan lang 'to 'no. Hindi na nga ako nakapunta dati."

Kanina pa nag-aaya si Ningning na pumunta kami sa music fest na gaganapin sa susunod na linggo. Marami rin kasing inimbitahang banda ang butihin naming governor. Kasagsagan na rin kasi ng Festival dito kaya ang daming mga ganap dito sa lungsod.

Syempre ako talaga yung unang naka-discover ng mga latest posts about doon dahil naka-follow ako sa facebook page tapos saka ko lang ni-relay ang mga information sa mga kaibigan ko. Ako nga rin yung unang nagsabi sa kanila sa mga bandang pupunta. But I guess mas excited pa sa akin si bes.

"Sige tuloy na yan ah. Ang lapit-lapit na nga natin dito eh."

Malapit lang kasi yung apartment namin doon sa venue kung saan sila magpeperform kaya pwedeng-pwede naman talaga kaming pumunta.

"Paano 'yan, uuwi tayo before Friday?" tanong ko naman.

"Oo, thursday siguro or sa mismong friday na lang kasi hapon pa naman 'yon."

"Sabagay."

"Ryujin punta ka na kasi. Di pwedeng kami lang ni Win," pilit pang kumbinsi ni Ningning sa dito sa isa.

"Gaga may 6pm class nga ako."

"Online class lang naman yon eh. Pwede ka magklase habang nandoon tayo," pagbibigay pa niya ng idea.

"Hoy!" pinanlakihan siya ng mata ni Ryujin. "Pero pwede." Nag-apir pa silang dalawa.

"Wag na kayo mag-cancel ha."

"Oo na."

"Tawagin rin kaya natin sila Giselle? Si Karina rin!" Mabilis akong nag-react nang marining ko ang pangalan ni Karina.

"Oh bat ka sumisimangot? Di mo bagay bes."

"Miss ko na baby ko," malungkot kong sabi.

"Shuta ka eh parang kakakita niyo pa lang nung isang araw ah!"

"Hindi counted 'yon."

"Minsan talaga gusto ko na lang masuka tuwing nakikita kong ganito si Winter. Pwede bang i-kick out na lang natin siya Ning?"

"Pag inggkit, pikit," asar ko sa kanya at nakuha ko naman yung reaction na gusto ko kasi mas nainis si bruha. "Pakyu."

"Kamusta na ba kasi kayo ng special friend mo?" gatong pa ni Ningning.

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora