Chapter 9 - Fragile

434 24 4
                                    

"Hoy babae ano na? Akala ko ba magbabonding tayo ngayon?"

Nakapamewang pa si Ning habang nakatayo siya sa harap ko. Pinapunta ko kasi siya dito sa bahay para makipagdaldalan.

Ewan ko nga. Hindi naman ako kadalasan mag-invite sa kanya dito. Siya pa nga yung feeling at home talaga na bigla bigla na lang papasok nang hindi nagpapaalam dito. Wala naman nang pake si mama doon, matagal na siyang sanay dito sa kaibigan ko. Pati nga rin si Ryujin na sa kabilang barangay pa nakatira, kilalang kilala na ni mama.

"Bes ano? Tutunganga na lang ba tayo rito?"

"Eto na nga diba," Bumangon na ako sa kama at binuksan ang electric fan tapos bumalik ulit ako sa pagkakahiga. Sinamaan naman ako ng tingin ni gaga nang humiga ulit ako.

"Ito na yung bonding Ning. Matutulog tayo."

"Winter!"

Aray. Ang hilig niya talagang manapak.

"Eto na nga diba babangon na. Dapat talaga si Ryujin na lang pinapunta ko," hindi ko na hininaan yung pagkakasabi ko para madama talaga niya.

"Nakakahurt ka na bes ha. Alam mo naglaan pa talaga ako ng time sayo para makapunta dito ngayon. Ang dami ko kayang ginagawa."

"Bakasyon ngayon."

"Kahit na! Marami pa rin akong ginagawa."

"Kagaya ng alin?"

"Manood ng kdrama."

Proud pa siya sa sinabi niya.

"Bes hindi mo ba alam na may bagong k-drama si Nam Joo Hyuk?" tanong niya nang tiningnan ko lang siya.

"Gaga akala ko naman nagrereview ka para sa entrance exam."

Malapit na rin pala yung entrance exams namin. Buti na lang talaga at sabay sabay kami nag-apply kaya pare-pareho kaming lahat ng schedule. Kinabahan pa nga ako nang may nareceive akong email galing sa TEU noong una pero nabawasan na rin naman kahit papano yung kaba ko nang malaman ko na same lang kami ng mga shunga pati si Karina.

Speaking of,

Tiningnan ko si Ning. Napansin naman niyang medyo seryoso ako.

Tumaas kilay niya, "Ano yon?"

Matagal ko pang pinag-isipan kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Siguro mga 5 seconds rin yon.

"Ah wala."

Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Ano nga?"

Pano ko ba 'to sasabihin?

Wait, kailangan ko ba talaga 'tong sabihin sa kanya?

Wala naman ata siyang maitutulong sakin.

"Winter kung di ka pa magsasalita dyan iisipin kong jina-judge mo ako."

Ay shala.

Pero true. Chos!

"Diba crush mo si Justin?"

"Sino yun?" Tanong niya.

Ang taray, may amnesia lang ang peg ni gaga.

"Luh siya diba may unrequited love ka don?"

Hinampas naman niya ako. "Hindi kaya!"

"Bakit ba pinag-uusapan natin yan? Matagal na kong nakamove on doon."

Oh edi inamin niya rin na kilala niya si Justin. Yan yung boylet na crush ni gaga since grade 8.

"Wala, random lang. Bigla lang pumasok sa isip ko," sagot ko naman. Sinipat-sipat niya pa ako bago i-let go yung topic.

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaWhere stories live. Discover now