Chapter 21 - Chismis

443 14 0
                                    

Pababa na ako mula sa kwarto para sunduin si Ningning kasi nag-aantay daw siya sa labas ng bahay. Nakakasanayan na rin niyang lagi siyang nandito simula nung last na sleep over niya. Kulang na lang dito na rin siya tumira.

Mukhang hindi ko na rin ata kailangang tuluyang bumaba sa hagdan kasi nakapasok na pala si Ning at binati yung kaibigan ni ate.

"Hi ate Rosé!"

Ngumiti rin naman pabalik si ate Rosé sa kanya at saktong nakita rin niya akong nakatayo sa gilid ng stairs.

"Hi Ning! Hi Winter, gising ka na pala."

"Hello ate."

Nandito na naman ulit si ate Rosé kasi pinapunta siya ni ate dito. Hindi ko rin sure kung bakit pero parang may pinaplano kasi si ate Lisa tapos need niya ata ng tulong ni ate Rosé.

Feeling ko para 'to sa nalalapit nilang monthsary ni ate Jennie. Tiningnan ko kasi yung date noong nakaraang araw at naalala ko yung sinabi ni ate nung ipinakilala niya siya kila mama na malapit na rin daw silang mag 5 months.

"Sige po ate, tataas na po kami ni Winter."

Nagthumbs up si ate Rosé, "Go lang."

Iniwan na namin siya doon sa baba kasi hinatak na ako ni Ning pabalik ulit sa kwarto ko.

Siya pa yung nanguna na magbukas ng pintuan at isaksak yung electric fan.

"Kulang na lang sabihin mong wag kang mahihiyang umupo Winter," sabi ko sa kanya. Kung umasta kasi siya, parang kwarto niya lang ang kwarto ko.

Natawa naman siya at pabiro akong hinampas. Ang sakit pa rin niya humampas kaya hinawakan ko yung balikat ko.

"Aray Ning!"

Nanlaki mata niya nang makita itsura ko. "Hala bakit?"

"May pilay ako dyan tapos doon mo pa ako hinampas," nasasaktang sabi ko. Nag-aalala naman siyang lumapit sa akin at tiningnan yung balikat ko. "Hala legit ba na may pilay? Hala sorry di ko naman sinasadya."

"Gaga joke lang," sabi ko at tinulak siya palayo. Kung makatingin kasi siya sa akin, para na akong dinadasalan.

"Ano?"

Nagkibit balikat ako. "Paiyak ka na eh."

"Bwisit ka talaga," akmang hahampasin ulit niya ako pero buti na lang nakaiwas agad ako. Legit masakit kaya talaga.

Kinuha ko yung Pic-A na binuksan ko kagabi habang nanonood ng twenty five twenty one. Malapit ko na rin pala siyang matapos at nagkakaroon na rin ako ng hunch na hindi magkakatuluyan si Baek Yijin at Na Heedo. Noong una, ship ko talaga sila Heedo at Yurim pero parang nasasayangan ako if ever na hindi magiging sila ni Yijin in the end.

So bakit pa ginawa yung drama na yon kung hindi lang rin naman pala sila magkakatuluyan?

Ni-rant ko yan kay Karina tapos tinatawanan lang niya ako habang nagkekwento ako.

Sabi ko sa kanya panoorin rin niya yung drama para ma-gets niya yung sentiment ko tapos wala pa sa alas kwatrong um-oo siya agad.

Grabe, ganun ba ako kalakas sa kanya?

Kinikilig na naman ako ano ba yan.

"Winter!"

Gulat kong tiningnan si Ning. "Ano?"

"Natutulala ka na naman."

Ah.

Ngumiti ako, "Gusto mo?" alok ko doon sa chichirya at agad naman siyang kumuha.

"Alam mo ba may nalaman ako kay Giselle."

Okay, nakuha niya yung atensyon ko. Anong meron kay Giselle?

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaWhere stories live. Discover now