Chapter 12 - Sama ng Loob Planting

445 11 2
                                    

"Winter halika nga dito tulungan mo 'ko."

Hindi pa nga ako pumapayag pero hinatak naman na ako ni Ryujin papunta sa pwesto niya.

Nakarating na kami kanina pa dito sa venue ng tree planting activity. Napili ng barangay namin yung isang malapit na bundok sa bayan namin.

Hindi rin naman ito kalayuan kaya agad rin kaming nakarating. Sumakay ulit kami syempre sa sasakyan ni Karina at nagplano na lang kaming sabay-sabay ulit kami kapag pauwi na.

Inakyat pa namin ng konti yung bundok bago kami makarating sa lugar kung saan talaga kami magtatanim. Hindi naman masyadong delikado yung inakyat namin at medyo patag yung lugar nang makarating kami.

May pa-opening remarks muna yung mga persons in charge bago kami nagproceed sa main activity pero sandali lang naman iyon. Onting speech lang ganito ganyan tapos sinabi na kung paano hahatiin yung grupo namin based sa mga puno na itatanim. Nahiwalay samin sila Karina at Giselle samantalang kaming tatlo nila Ningning at Ryujin naman ang magkakasama kasama ng iba naming ka-barangay na hindi ko naman kaclose yung iba.

Habang kumukuha nga ako ng itatanim na puno may nakasabay ako kaninang same age ko rin. Muntik ko na ngang kunin yung balak niyang kunin sana. Hiya naman ako don. Tiningnan ko pa sana siya para magsorry pero naurong rin yon nang ngitian niya ako. Awkward naman akong ngumiti pabalik. Sino na nga ulit siya?

Ah siya ata yung anak ni Aling Janette.

"Ikaw na lang yung kumuha nyan. Ako na lang yung sa katabi niya."

"Ah sige sige," sabi ko naman at pagkatapos non naghiwalay na kami ng landas.

Chos.

Hindi ko na lang siya pinansin.

Di kaya ako magaling sa small talks 'no.

"Teh kung tulungan mo kaya ako instead na tumunganga ka dyan," saway sakin ni Ryujin. Pinapanood ko lang kasi siyang magbungkal ng lupa habang nasa tabi naman niya yung maliit na mahogany na itatanim.

Mahogany kasi yung napunta sa amin habang yung kila Giselle is narra ata or acacia? Hindi ko sure.

May mga nagtetake rin ng documentation bawat grupo.

"Oh kunwari tinutulungan mo si Ryujin, bes. Ang pangit naman mukha kang pabigat na ka-grupo sa pose mo."

Aba.

Anong nangyari at napunta sa documentation team itong si Ningning?

"Hoy bakit hindi ka tumutulong magtanim?"

Pinanlakihan naman ako ng mata ni gaga.

Sige takas pa ha.

"Ano ba yan bes ang ingay mo!" eksaheradang sabi niya pagkaalis ng mga nagpipicture sa amin kanina.

Inabot ko sa kanya yung puno ni Ryujin. "Itanim mo yan doon," itinuro ko yung nabungkal ni Ryujin na lupa. Sinunod rin naman niya ako at ibinaon na sa lupa yung mahogany. Kinuha ko rin yung malapit na pandilig at diniligan ng kaunti yung puno bago tinabunan ni Ryu ng lupa.

"Kumusta na kaya doon sila Giselle. Bat kasi sila nahiwalay satin," sabi naman ni Ryujin.

Maski ako nga rin hindi ko maiwasang silipin sila doon sa kabilang side.

Natawa naman ako doon sa struggle ni Giselle maghukay ng lupa. Parang shunga lang. Naiwan pa ata ni babaita yung ponytail niya at ang haggard na ng itsura niya.

"Giselle parang shunga. Uy puntahan ko muna yun bigyan ko extra sanrio," paalam ni Ning at nilapitan na nga si Gi.

"Parang ewan si Ning nakalugay rin naman ako bat di niya ako binibigyan ng sanrio," reklamo ni Ryujin nang makaalis na si gaga mula sa pwesto namin.

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaWhere stories live. Discover now