Chapter 15 - Pa-fall

520 22 3
                                    


Ryujin:    ang pa-fall niya naiinis ako!!


Kanina ko pa ka-chikahan itong si Ryujin about doon sa crush niya. Ito dapat yung supposedly sasabihin niya raw sa 'min kanina pero hindi na natuloy dahil naglaro na kami ng dodgeball.

Nakaka-refresh rin pala sa pakiramdam yung paglalaro na ginawa namin. It made me reminisce yung mga memories ko noong bata pa ako na ang tangi ko lang pinoproblema ay yung sumasakit kong baby teeth na kalaunan ay ipinabunot namin sa dentista.

Ang yabang yabang ko pa noon kasi nagpabunot ako ng ngipin. Halos ipaglandakan ko pa sa mukha ng mga kapitbahay namin na bagong bunot ako. Achievement yan teh?

Tapos tuwing ina-acknowledge naman nila yon, I felt proud.


Winter:   ano ba nangyari?

Ryujin:   gagi kasi sinabi ko sa kanya pumunta ako sa inyo kanina

                   tapos win tingnan mo 'tong sinabi niya😩


Ryujin sent an image

lucy: san ka na

lucy: sana nakauwi ka na


Ryujin:   kilig aq teh

                   magmomove on na talaga ko


Tagal na rin pala nilang magkausap siguro mag 1 year na rin. Nagkakilala ata sila sa twitter kasi may fan account itong si Ryu about sa mga anime. Hindi ko lang sure kung ano tawag don kasi hindi naman ako mahilig sa anime. To keep the story short, internet friends sila.

Pero ang kaso lang, hindi pa rin nakakamove on sa ex niya yung crush ni Ryu.


Winter:    saan na ulit yan nakatira?

Ryujin:    manila beh

Winter:    ay layo nga stay strong na lang siguro

Ryujin:    ayos naman na sana pero bakit tinawag niya pa akong cute kanina!!


Muntikan na kong maduwal.

Cute daw.

Si Ryujin? Cute?

Seryoso ba?

Sumosobra na ata delusyon nito.


Ryujin:   shunga ka kahit hindi kita nakikita alam ko reaction mo

Winter:    cute amp

Ryujin:     kase nga nasanay kaming tawagin yung display name namin doon sa twt instead of real name

                      tapos kanina tinawag niya ko sa real name ko eh hindi ako sanay na tinatawag niya ako sa name ko😩🤚

                      kaya sabi ko ang weird

                      tapos sabi niya cute naman

                       AYOKO NA


Ang summary siguro ng gabing 'yon ay ang panonood ko kung paano mag-gay panic itong si Ryujin. Nag-aya pa siya maglaro after para daw makatulog na siya. Nasasanay na talaga siya dito sa 'coping mechanism' kuno niya kaya pati ako dinadamay niya gabi-gabi or rather any time of the day.

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora