Chapter 36 - Small World

218 11 0
                                    

"Winter!!" malakas na tawag ni Ryujin pagkakita niya sa akin.

Dalawang araw na ang nakalipas simula nang umamin si Ryujin sa crush niya. Wala pa siyang kinekwento sa amin sa loob ng dalawang araw na 'yon.

Akala ko nga nagmumukmok siya pero parang hindi naman based sa itsura niya ngayon.

Nandito si Ryujin sa bahay. Hindi ko nga inexpect na pupunta siya kasi hindi naman siya nagpaalam in the first place. Okay lang naman yun sa'kin. Nakakagulat lang talaga yung bigla niyang pagsigaw. Akala ko pa nung una, si Ningning yung sumisigaw kasi ganon kalakas yung boses ni gaga kapag nagtatawag siya sa labas ng bahay.

Pagkapasok ni bruha sa loob, pumunta agad siya sa ref tapos kumuha doon ng kisses.

Pansin ko nga na tuwing pumupunta siya rito, yung chocolate agad una niyang pinupuntahan.

"Win pasabi na lang sa ate mo, thank you," sabi niya habang binubuksan yung isang kisses.

Nagtataka ko lang siyang pinagmasdan habang kumukuha ulit ng isa pang piece sa ref, "Hindi ka nga nagpaalam sa kanya."

"Ate Lisa pahingi ng kisses!" sigaw niya na sure akong rinig na sa buong bahay.

"Ryu wala si ate dito ngayon."

"Ah ganon?" she shrugged.

"Ano pinunta mo dito?"

"Wala naman, gusto mo laro tayo ng COD?"

Luh.

Yon lang ba talaga pinunta niya dito?

"Tara na," Nauna na siyang umakyat papunta sa kwarto ko. "Hi Mareng Kars!"

"Hi Ryu," binaba ni Karina yung phone niya nang mapansin niyang kasama ko pagbalik si Ryujin.

Suspicious naman kaming tiningnan ni Ryujin after ko masara yung pinto.

"Wag niyo sabihing may ginagawa kayo kanina?"

"Oo meron," kaswal kong sagot tapos bigla siyang nagtakip ng bibig. Ayan nabatukan ko tuloy. "Bruha hindi kasi yon shuta ka!"

Lumayo na sa akin si Ryujin para hindi ko na siya mahampas ulit. "Grabe ka naman tinatanong ko lang naman kayo kung may ginagawa kayo like nanonood ng movie diba Karina?" Humingi pa talaga siya ng backup dito sa jowa ko.

Nangingiti lang naman si Karina sa aming dalawa, "Yep, we're watching stranger things."

Hindi pa rin kasi namin tapos yung season 4.

"Ay oo nabalitaan ko malapit nang lumabas yung volume 2 ng season 4 niyan." Sabi nga nila sa July 1 daw release non.

"Pinapanood mo ba yan Ryu? Maganda, recommended," nagthumbs up pa ko.

Ngumiwi siya, "Baka naman maganda lang kasi may kasama ka manood."

I placed my hand on my chin, "Hmm siguro isa na rin yong factor."

Dramatic siyang umatras tapos pinagkrus yung dalawang braso niya, "Lumayo kayo sa'kin!"

Inirapan ko siya, "Pansin ka talaga."

Nakiupo na rin si Ryujin doon sa may kama kaya lumapit na rin ako at naupo katabi nila.

"Karina sensya na ha, makikikabit muna ako kay Winter ngayon," sabi niya tapos kinuha niya yung phone niya. "Threesome muna tayo," dagdag niya pa.

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway at mabilis na binalingan si Ryujin, "Gago ka!"

"Hoy teh wag ka magmumura nandito si tita," saway niya sa akin tapos inangat niya yung phone niya. "Bonding sesh kasi nating tatlo ano ba kayo. Karina naglalaro ka ba ng cod?"

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon