Chapter 11 - Sundo

429 21 0
                                    

Minsan naiinggit ako sa mga taong mabilis makatulog at hindi madaling magising.

Light sleeper kasi ako kaya kahit mahinang tunog lang yan magigising agad ako.

Katulad na lang ng biglang pagpapatay sa 'kin ng electric fan ni ate Lisa.

Umagang umaga init ang bubungad sa 'kin.

"Ate wag mo patayin!" angal ko. Hindi pa masyadong maayos yung boses ko. Bigla kasi akong nagising nang wala na akong hangin na maramdaman.

Summer na summer tapos papatayan ako ng electric fan? Edi namatay ako sa init.

"Tanghali na kaya gumising ka na, Wintot," sabi ni ate.

Tiningnan ko yung oras. Malapit na mag-alas otso.

"Kung tanghali na bakit nandito ka pa rin?"

Hindi naman ako sinagot ni ate at pinasadahan lang ng tingin yung kwarto ko.

"Ah so ito pala yung ginawa mo sa mga yun? Infairness maganda ha," tumango-tango pa siya tapos nag-thumbs up.

"Ako lang 'to ate."

Wala pa atang balak umalis 'tong si ate kasi naupo pa siya sa gilid ng kama ko.

"Balita ko nag-apply ka rin daw dyan sa TEU?"

Tumango naman ako.

"Ah. Ayaw mo lumuwas?"

Ano 'to? One on one interview?

"Hindi ko pa sure ate. Basta nagse-secure lang ako ng school."

"Ah oo okay nga yan. Pero Winter sabihin mo lang sa akin kung gusto mo rin mag-aral sa Maynila. Wag kang mahihiya sa akin o kila mama kasi susuportahan ka namin sa kahit anong gusto mo."

Na-touch naman ako don. Lahat sila suportado ako sa kung anong gusto ko. It made me think na kailangan ko talagang pagbutihin ang pag-aaral ko para sa kanila kasi sobra-sobra pa yung mga binibigay nila sa akin.

"Ayaw mo sa PUP?"

"Nag-apply rin ako dun ate pero wala pang results."

Sa PUP kasi grumaduate si ate kaya isa rin yon sa list ng mga inapplyan kong school. Graduate siya doon ng comsci at hindi naman sa mayabang ako pero cum laude ata yang si ate. Ewan ko nga rin kung pano siya naging ganon eh mukha naman siyang tambay kapag nandito sa bahay.

"Ikaw Winter ha kanina ka pa nakatitig sakin. Ganda ko diba?"

Ngumiwi ako at umaktong nasusuka.

"Panget mo, ate."

"Ay aba–"

"Lisa gising na ba ang kapatid mo?!" sigaw ni mama sa baba.

Bakit ba parang gusto nila akong gisingin ngayon? Inaantok pa ako please yung kama ko hinahatak pa ako pahiga.

"Ate sabihin mo kay mama tulog pa ako."

"Gising na siya ma!"

Sinamaan ko naman ng tingin ang kapatid ko at sinipa siya.

"Ma, si Winter naninipa oh!"

Sumbungera talaga 'to.

"Winter bumaba ka na riyan at nandito na ang bisita mo!"

Nagtataka kong tiningnan si ate.

Sino?

Wala naman akong inaasahang bisita ngayong umaga.

Ngumisi lang si ate at tiningnan ako ng may malisya.

Luh.

Anong meron?

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon