Chapter 7 - Heart Attack

454 22 4
                                    

Feel ko talaga may alam itong sila Ning na hindi ko alam.

Kung makatingin kasi sila sakin pagkabalik namin ni Karina, parang may napag-usapan sila sa likod ko. Nakaramdam rin ako ng sakit sa batok pagka-uwi ko eh.

Naging palaisipan rin sa akin yung mga sinabi ni Karina.

Siguro gusto niya makipagbonding sakin as a friend. Ang cute ko kasi.

Pero feel ko talaga hindi lang yon.

Feel ko talaga may iba pa siyang agenda.

Feel ko...

"Winter!" Ano ba yan mama nanggugulat.

"Bakit ma?!"

"Bumaba ka riyan at nandito ang shopee mo!"

Omg!

Naexcite ako bigla.

Yan na kaya yung inorder ni ate?

Nagmadali akong umalis ng kwarto. Hindi ko na nga nahanap yung kapares ng suot kong tsinelas. Gusto ko na agad makita yung package.

Sinuklay ko nang mabilis yung buhok ko gamit ang kamay ko bago ako nagpakita kay kuyang rider. Baka magtake pa siya ng picture ko. Kailangan syempre maganda ako sa picture pag nagkataon.

"Ma'am Winter Kim po?"

"Ako nga po, kuya," sabi ko at iniabot sakin ni kuya yung parcel.

"Picture-an ko po kayo ma'am."

Ni-ready na ni kuya ang phone niya at inayos ko naman ang ngiti ko sa camera.

Say thank you, ate Lisa. Sana magtagal pa kayo ni ate Jennie. Hihi.

Umalis na si kuyang rider after niya madeliver sa akin yung parcel kaya bumalik na ulit ako sa kwarto ko. Ready na ako mag-unbox!

Alam ko naman na yung itsura ng mga nacheck out na items ni ate pero nakaka-satisfy pa rin talaga yung essence of unboxing.

Maganda naman yung mga items na dumating. Wala ring defective at kumpleto rin ang items. 5 star ratings po sa seller.

Ni-recall ko ulit yung mga nagawa kong plano para sa aking room makeover.

"Okay ayos na. Time na para magdesign."




Grabe.

Ang ganda ng kinalabasan.

May ibubuga rin pala ako sa pagdedesign.

Ang laki ng pinagbago ng room ko from plain to this na may design na.

Hindi rin siya mukhang dugyot. Parang naging lively lang talaga yung kwarto ko. And yes, feel ko sisipagin na ako mag-aral next school year kasi naayos ko na rin yung study table ko.

Nakakasatisfy lang tingnan.

Gusto ko pang pasalamatan si ate pero umalis na siya sa bahay kaya itetext ko na lang siya.


(Mon, 9:55 A.M.) Winter:    ate dumating na yung parcel!

(Mon, 9:56 A.M) Ate Lisa:   satisfied ka naman?

(Mon, 9:56 A.M) Winter:    hindi pa need ko pa ng next libre

(Mon, 9:58 A.M) Ate Lisa:    heh! ayoko nga wala na kong pera

(Mon, 9:59 A.M) Winter:    ang sabihin mo wala ka ng pera pang date

(Mon, 10:00 A.M) Ate Lisa:   oo kaya wag ka na magastos

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaWhere stories live. Discover now