HKP: The Outtakes 3

222 10 2
                                    


Goodbye?


Context: Naalala niyo pa ba yung mga pinsan ni Winter na mahilig magphone? (refer to chapter 23)


Akala ko dati mabilis ko lang matatanggap na aalis rin naman sila at pagkatapos non, balik na ulit sa normal ang buhay ko. Well, ganon naman talaga yung dapat kasi aalis lang naman sila.

Yun nga lang hindi na ulit sila babalik dito.

Umuwi muna ako saglit sa barangay namin ngayong araw para doon muna matulog sa bahay. Pagkatapos na pagkatapos pa nga lang ng klase ay nagpaalam na agad ako kila Ningning na hindi na muna ako matutulog sa apartment.

"Ay bakit bes?"

"Secret," asar ko sa kanya kaya inirapan niya ako. Nagtatawag kami ngayon ng sasakyan papunta sa apartment. Sasama kasi muna ako para maiwan itong mga gamit ko. Ang laki-laki ba naman kasi nitong mga gamit namin lalong-lalo na yung t-square. Minsan nga nahihirapan pa kami ni Ning kapag nagcocommute kasi hindi rin talaga maiwasan na may mabangga ka habang naglalakad sa makipot na daanan sa loob ng jeep.

"Pero seryoso nga, ngayon na ba yung alis nila Rei?"

May tipid na ngiti na lumabas sa aking mga labi.

"Oo, kaya wag ka nang epal," sabi ko pa kaya nahampas tuloy ako.

"Pakisabi sa kanila ingat sila sa byahe ah. Gusto ko pagbalik nila dito, may dala silang snow."

Babalik pa nga ba sila?

"Oo na," sabi ko na lang kahit medyo walang kwenta yung panghuli niyang sinabi.

"Wag ka mag-alala bes ako na gagawa ng plates mo."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang sama mo naman! Nagpepresinta na nga ako eh."

Asa pa 'ko sa sinasabi ng magaling kong kaibigan eh yung plates nga niya hindi niya natatapos agad. Laging rush si gaga.

"Salamat na lang siguro teh."

"Buti naman kasi hindi ko talaga yan gagawin." Hay nako Ningning.


(Fri, 4:30 P.M) Bibe:         are you on your way na ba?

(Fri, 4:33 P.M) Winter:   nakasakay na ako sa jeep bibe

(Fri, 4:33 P.M) Bibe:         i told you to stop calling me bibe >:(

                                                   mukha ba akong pato?

(Fri, 4:35 P.M) Winter:     HAHAHAHA I LOVE YOU BIBE KO

(Fri, 4:37 P.M) Bibe:         👍 

                                                  stay safe

(Fri, 4:38 P.M) Winter:   sabi ko na nga ba di mo ko matitiis

(Fri, 4:39 P.M) Bibe:       i don't know what got you into calling me that but fine, just for today

                                                   i love you too

(Fri, 4:41 P.M) Winter:    mahal kita palagi baby ko

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaWhere stories live. Discover now