Chapter 18 - Okay

399 19 9
                                    

"Magaling ka na?" tanong ni ate Lisa pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto. Sakto rin kasing padaan siya sa hallway ng room ko. Halos dalawang araw rin yung itinagal ng lagnat ko pero sinat na lang naman siya sa 2nd day kaya maayos na ako ngayon.

"Ano ba yan sayang," sabi pa niya at umiiling na umalis. Hinabol ko naman siya at sinipa yung pwet niya. Napa-aray naman siya doon.

"Omg dasurv!" sabi ko at agad na kumaripas ng takbo pababa bago pa niya ako mahabol.

Nagtago naman ako sa likod ni mama nang makita ko siyang kakalabas lang ng banyo.

"Winter wag ka munang magtatakbo dyan kasi baka mabinat ka!" saway niya.

"Ma, si ate kasi!" sumbong ko at nakita namin si ate na tumatakbo rin pababa.

"Ma, si Winter kasi sinipa ako sa pwet!"

Para namang naii-stress si mama na tiningnan lang kami at saka binalingan si papa na nanonood ng tv sa may sala. "Tingnan mo 'tong mga anak mo pa ang laki na pero isip bata pa rin jusko naman!"

"Anak mo rin sila ma hati tayo sa responsibilidad dito diba," sabi naman ni papa at natatawang nagbalik ng tingin sa pinapanood niyang movie.

Bumalik na rin ako sa kwarto after ko kumuha ng tubig at naabutan ko si ate na nag-aantay sa labas ng pintuan ko. Nag-angat naman siya ng tingin nang makita ako.

Nagtaas ako ng kilay, "Bakit ate?"

Ngumiti siya ng tipid, "Winter kailangan ko ng support mo."

Inantay ko siya magsalita ulit. Parang may sasabihin pa siya eh.

"Balak ko sanang ipakilala na si Jennie kila mama."

Excited ko siyang tiningnan. "Talaga ate?!"

"Oo pero wag ka muna maingay. Hindi pa kasi alam nila mama na may girlfriend na ako."

Tumango ako. "Oo naman ate. I'm sure naman na magugustuhan nila si ate Jennie. Ang ganda na nga niya ang bait pa niya. Swerte mo naman sa kanya."

"Ay so siya, hindi swerte sa akin ganon ba?" nanghahamon niyang tono.

"Matalino ka naman ate okay na yun."

"Aba!"

Binuksan ko yung pinto at akmang papasok.

"Winter teka lang," pigil niya. Hinarap ko siyang seryoso nang nakatingin sa akin. "Alam mo lately may napapansin ako," sumingkit pa lalo yung mga mata niya.

Naiilang naman akong nag-iwas ng tingin. Bakit ganito 'to makatitig sakin?

"Ano ba 'yon ate mukha kang shunga."

"Hmm, wala lang," sabi niya at bumalik na ulit sa normal niyang itsura.

Anong nakain ni ate at weird niya ngayon? Kinakabahan ba siya sa thought na ipapakilala na niya si ate Jennie kila mama?

"By the way Winter, si Karina yung isa mong bisita noong nilagnat ka diba?"

Taka ko naman siyang nilingon at tumango. "Bat mo natanong?"

"Wala lang Wintot hehe," nangingiti siyang umalis at lumakad na pabalik sa kwarto niya.

Ang random naman ni ate. Parang may alam siyang hindi ko alam. Bigla namang tumama sa akin ang isang realization.

"Hindi kaya..?"

Alam ba ni ate?






Ever since noong pumunta si Karina dito sa bahay para bumisita sa akin dati, hindi ko pa rin siya nakikita hanggang ngayon. Iniisip ko tuloy kung may mali ba akong nasabi or what? Wala kasi siyang sinabi sa akin after noon kasi saktong dumating na sila Giselle na hinahatak si Ningning pabalik. Kita ko naman na ginawa ni Ningning yung best niya para pigilan si Giselle pero hindi talaga nagpapatalo 'tong si Gi.

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon