Chapter 20 - By Pair

445 15 7
                                    

"Grabe na talaga 'to. Ganito ba talaga kapag kabit lang?"

Nakarating na rin kay Ryujin ang balita.

Hindi ko alam kung saan niya nalaman pero paniguradong kay Giselle.

Kaya ayun. Nag-inarte si bruha at kinulit ako na samahan ko daw siya mag-ukay. At para maki-chismis na rin if I may add.

"Hoy hindi kaya. Sasabihin ko naman talaga sayo yun," dahilan ko. Totoo namang sasabihin ko rin ito sa kanila pero hindi lang talaga ako nakahanap ng tamang timing.

"Nauna pa talaga malaman ni Giselle. Ang unfair ha, sayo ko kaya kinekwento yung mga crush ko," at nagtampo na nga siya.

Nilapitan ko naman siya at ikinawit ko yung braso ko sa braso niya. "Sorry na bebe ko. Pa-kiss nga."

"Yuck Winter totropahin!"

Grabe iwas na iwas yan?

"Ryujin wag mong sabihin na kabit ka lang. Everytime na maiisip mo na kabit ka lang, always remember na we appreciate you so much and proud kami sayo," seryoso kong sabi. Napakamotivational non pero hinampas niya lang ako.

"Gaga ka talaga."

Nag-ikot ikot muna kami saglit kasi maaga pa naman at hindi pa naman kami masyadong gutom. Hindi lang naman ukay ang ipinunta namin sa bayan. Siguro gala na rin tapos kakain ganon.

Ewan ko ba kay Ryujin. Siya naman kasi nakaisip nito. Hindi na daw kasi kami nagkakaroon ng bonding time na dalawa kaya sinundo ako ni bruha kanina sa bahay.

If I know, makikichismis lang talaga 'to. Hindi lang sila Ning at Giselle ang nahawaan ng chismosa virus.

"Ano bang plano mong bilhin?" tanong ko dito sa kasama ko.

"Hindi ko rin alam," sagot niya. "Ikaw ba may bibilhin ka ba?"

"Siguro kung may makita ako."

Napakarami ko ng damit sa bahay according kay momshie. Pero bakit tuwing naghahanap ako ng susuotin, wala akong masuot?

Ganito siguro kapag tumatanda na, nagkakaroon na tayo ng consciousness sa mga sa sarili natin lalo na yung way ng pananamit. Hindi naman kasi ako ganito dati. Kung ano lang yung makita kong pair ng damit, iyon na ang isusuot ko.

People change nga naman siguro. Dati nga laruan lang lagi kong binibili, ngayon mas nagfofocus na ako sa mga useful na bagay. Yung mga bagay na magagamit ko sa sarili ko for a long period of time para sulit yung binayad ko hindi yung mahal pero sandali ko lang siya magagamit. Ang hirap kaya magkaroon ng pera these days.


I hopped off the plane at L.AX

With a dream and my cardigan

Welcome to the land of fame excess (woah)

Am I gonna fit in?


"Kain na kaya muna tayo? Malapit na rin magtanghalian," suggest ni Ryujin. Kanina pa kasi kami naglalakad at nagtitingin ng pwedeng bilhin na damit pero wala pa rin kaming napipili. Mag-uukay na nga lang pero ang hirap pa rin pumili.

"Sige, saan ba tayo kakain?"

"Ikaw."

"Anong ako?"

"Ewan ko rin."

Ito na nga ba ang sinasabi ko tuwing naiiwan kaming dalawa na magkasama ni Ryujin.

Hindi kami nagkakaroon ng maayos na desisyon.

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaWhere stories live. Discover now