Chapter 33 - Encounter

259 9 2
                                    

Ningning:      hoy teh gala daw tayo

Winter:           san punta

Ningning:      sa school natin

Winter:            anong school?


Nalilito na ako sa mga school. Yung school ba na balak naming pasukan or yung school kung saan kami grumaduate?


Ningning:         edi yung alumni natin ano pa ba

                               balak ata mag-apply nila ryujin at giselle doon for college

                               open pa rin kasi sila for enrollment kasi magchechange na rin sila ng academic year

Winter:               akala ko doon na rin sila sa TEU mag-aaral kasi nakapasa sila

Ningning:          ewan ko lang rin kasi medyo uncertain si ryujin na mag-engineer

                                yung kay giselle naman, mas malapit kasi ang alumni natin kaysa sa TEU diba kaya doon siya

                               diba sinabi na niya dati na yun naman talaga yung dahilan kaya bumalik sila dito sa barangay natin dahil mas malapit sa school na papasukan niya

                                hindi sinabi ni babaita na babalik lang rin pala siya sa school natin, nagtransfer transfer pa siya nung senior year🙄

Winter:                GAGA HAHAHAHAHHJAHSA

                                 kung mag-aapply sila giselle doon, mag-aapply ka rin ba?

Ningning:           gusto mo ba? tara!

                                 kahit wala yung gusto nating course sa school na yon g ako para may back-up

Winter:                 waw ha nakapasa ka na nga sa TEU

Ningning:           malay mo maging interested ako sa ibang course tapos hindi na ako mag-archi😌

Winter:                 sige sama ako, pasend nga ng requirements para alam ko dadalhin ko

Ningning:          Ningning sent a photo.

                                 ayan bes

                                 sabihan mo na rin si mareng kars baka gusto niya rin magback up


Ni-ready ko na agad yung mga requirements na sinend ni Ningning sa akin. Sinabihan ko na rin si Karina tungkol doon at sabi nga niya ay balak daw talaga mag-apply ni Giselle doon. Sigurado naman ako na makakapasa si Giselle doon. Nakapasa na nga siya dati nung nagstart kami mag-junior high, ngayon pa kaya na college na.

"Ma aalis pala ako."

Nakabihis na ako nang lumapit ako sa nanay ko para magpaalam.

"Ano yang mga dala mo?" Tiningnan ni mama yung envelop na hawak ko. Nandoon kasi yung mga requirements na need ipasa sa school.

"Mag-aapply kami nila Ning doon sa school namin."

"Dyan sa Sta. Maria?"

"Oo ma."

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaWhere stories live. Discover now