Chapter 22 - Date

582 15 1
                                    

Ayokong ako lang yung nahuhulog.

Sabi nga ni Ningning dati dapat as I secure my feelings, dapat nase-secure ko rin yung feelings niya sa akin.

So I, Winter Kim, vow to make landi to Karina at this very moment and I'll make sure sa akin na lang siya titingin after this day ends.

Joke.

I don't mean today na literally pero basta ganun na yung thought.

"Saan ka pupunta Winter?" tanong sa 'kin ni ate habang prenteng nakaupo sa may sala at nakapatong ang laptop sa lap niya. Nakawork from home na naman siguro 'to. "Sabi sa 'kin ni Chae imi-meet mo raw siya?" suspicious niya akong tiningnan. "May pinaplano siguro kayo sa likod ko 'no?"

Ngumiwi ako at nagpaalam na agad umalis sa bahay. "Ma, aalis na ako!"

"Hoy Wintot!" nilingon ko pabalik si ate Lisa na pinaniningkitan na ako ng mata.

"Bakit ate?"

"Inaagaw mo na ba sa 'kin ang best friend ko?"

"Muntanga ka ate bahala ka nga dyan," tinalikuran ko na siya at dumiretso na ako palabas ng bahay. Narinig ko pa yung tawa niya after. "Mag-uwi ka ng pasalubong!"

"Ayoko nga!"

Tuluyan ko nang nasara yung gate namin.

"Tagal mo naman bes," bungad ni Ningning pagkakita ko sa kanya. "Excited na ko magluto. Tara na!"






"Hi! Nandito na pala kayo. Sorry hindi ko agad kayo nalabas," apologetic na sabi sa 'min ni ate Rosé pagkabukas niya ng pintuan.

"Okay lang po ate kararating lang naman namin. Excited na si Winter mag-bake ate!" sabi ni Ning pero mas excited pa siya sa akin.

Bakit nga ba kami nandito ngayon kila ate Rosé?

"Don't worry sisiguraduhin ko na bago pa matapos ang araw na 'to, alam niyo na kung paano mag-bake ng masarap na tinapay," nakangiti niyang sabi tapos tiningnan niya ako. "Ibibigay mo 'to sa crush mo 'no?" tukso niya tapos nakisali na rin si Ning.

"Landi talaga ni Winter, ate 'no?"

Hindi niya napigilang tumango, "Magkapatid nga sila ni Lisa."

Wow ha. I feel offended.

"Hindi kaya!" simangot ko. "Ate Rosé, wag mo 'to sasabihin kay ate ha."

Best friend pa man din siya ni ate. Baka mamaya pag nalaman ni ate yung pagkakagusto ko kay Karina, hindi na niya ako tigilan.

Ganon kasi ako nung nalaman ko yung sa kanila ni ate Jennie.

Gantihan lang.

"Good thing kinonsider niyo yung offer ko last time. For sure makakatulong rin 'to sa business ko."

"Wag ka mag-alala ate, magpopost agad kami ng maayos na reviews para marami kang ma-attract na customers."

May ari ng bakeshop si ate Rosé.

Hindi lang ito basta shop kasi nag-o-offer rin siya ng baking lessons sa mga interested mag-bake.

Bagong tanong ulit. Paano kami nagkaroon ng interest ni Ning na pumunta rito?

"Grabe nakakagutom pala yung pag-spill ng ganon karaming informations," pinaypayan pa ni Ning yung sarili niya gamit ang kamay niya.

Katatapos lang niya magkwento sa 'kin ng tungkol kay college na manliligaw kaya bumaba na kami para kumuha ng meryenda sa kusina.

Huwag Kang Pa-fall! | WinrinaWhere stories live. Discover now