Chapter Two

32.3K 1.4K 1K
                                    

Yves's pov



Nagising ako sa sunod sunod na pag tunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang nag txt. Nanlaki naman ang mata ko ng makitang may nag load sa akin ng isang libo.

Ilang beses kong kinusot kusot yung mata ko dahil baka namamalikmata lang ako pero hindi talaga. May isang libo talaga akong balance na load. Napa isip naman ako agad kung sino ang pwedeng mag load sa akin. Ilang minuto din akong nag isip pero wala talaga akong maisip bukod kay abnormal na Keoni at Monique. Tatanongin ko nalang sila pag pasok ko mamaya.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago pilit na bumangon para maligo at ayusin ang aking sarili. Nang matapos ako ay agad akong nag tungo sa kusina para mag hanap ng makakain. Kagabi pa kasing walang laman ang tiyan ko dahil nakatulog na ako sa sobrang pagod.

"Hoy Yves! Anong hinahanap mo diyan!?"

"Yung itinabi ko pong ulam para pang almusal ni Yuan." Tanging sagot ko at patuloy lang sa pag hahanap.

"Ahh 'yun bang baboy na naka balot sa supot? Wala na, kinain na namin kaninang madaling araw dahil nagutom kami."

Napahawak nalang ako ng mahigpit sa handle ng ref bago bumuntong hininga.

"Sana po hindi niyo pinakealaman pambaon din ho kasi iyon ni Yuan ng tanghalian." Malumanay ko'ng tugon kahit gusto ko na siyang sagot-sagotin.

"Aba edi bumili ka nalang ulit ng bago. Kasalanan ko bang nagutom ako!?" Tila siya pa ang naiirita. Hindi nalang ako umimik.

Ano pa nga ba ang magagawa ko eh wala na.

"Ate tapos na po akong mag ayos!" Masiglang sigaw ni Yuan at dinamba ako ng yakap pag ka-baba niya ng hagdan.

"Very good naman ng baby boy ko. Paamoy nga si Ate kung nag pulbo at pabango kana." Nakangiti kong turan at inamoy amoy siya. Rinig ko ang pag tawa nito at pilit na inilalayo ang mukha niya sa akin.

"Stop na Ate! Stop na." Pag papatigil niya at hinawakan ang mag kabila kong pisnge para pag hahalikan ako sa mukha.

"Oh siya sige na kunin mo na bag mo aalis na tayo." Utos ko at ginulo gulo ang buhok niya.

Yuan is seven years old now. Hindi naman siya mahirap alagaan, sobrang lambing nga niya at hindi palahinge katulad ng ibang bata. Kontento siya sa kung anong ibibigay sa kaniya.

"Pasaan ka nga pala Yves? Bakit bihis na bihis ka? Hindi ba't mamaya pa ang duty mo?" Pukaw ng isang boses sa aking pag katulala.

"May bagong nirerecommend 'yong kaibigan ko na trabaho. Susubukan kong puntahan." Sagot ko nalang at pilit siyang nginitian.

Hindi kasi nila alam na nag patuloy ako sa aking pag aaral. Dagdag gastos lang kasi daw iyon eh sigurado naman daw silang hindi din ako makaka pag tapos.

"Sana ay matanggap ka." Tita Minerva said and walk away. Napa irap nalang ako ng mawala na ito sa paningin ko.

"Ate hindi ba tayo kakain ng breakfast?"

Nilingon ko si Yuan at ngitian siya ng matamis.

"Syempre kakain tayo pero sa labas na tayo kakain kasi hindi nakapag luto si Ate eh." Kumunot naman ang noo niya.

"Hindi po ba mahal pag sa labas pa tayo kumain? Mas makaka tipid tayo pag dito lang sa bahay po." Yuan said na ikinangiti ko. Bukod kasi sa mabait na itong kapatid ko ay sobrang talino pa at maunawain, kahit ang bata pa niya ay naiintindihan na niya ang mga bagay bagay sa paligid niya.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon