Chapter Thirty Three

25.2K 1K 491
                                    

Yves's pov



Natawa ako ng lumabas si Miss Honey suot suot yung flamingo na costume. Nag pasama kasi siyang bumili ng susuotin niyang costume para sa party mamaya, naka bili na kasi yung iba naming kasama at si Miss Honey nalang at ako ang hindi pa nakaka bili dahil inuna ko yung kay Yuan. Si Miss Honey naman ay late nagising.

Fiesta kasi dito sa Island na pinuntahan namin at ininvite kami dahil yung hotel ang mag hohost nung party. It's a costume party.

"Bagay sayo Ma'am," I said and thumbs up at her.

"Cool. Meron ka din eh, isukat mo para parehas tayo." She said making my eyes widen.

"Luh Ma'am bakit nadamay ako?" Taka kong tanong sa kaniya pero tinawanan lang naman niya ako at itinulak sa may dress fitting.

Labag man sa loob ko ay isinuot ko nalang iyong inflatable flamingo na kagaya ng kay Ma'am at naka simangot na lumabas.

Kita kong nag pipigil siya ng tawa at nag thumbs up sa akin.

"You look so cute Mon chou." She said giggle. Napailing nalang ako at napatawa nadin.

Hinila niya ako sa may salamin at sabay naming tiningnan ang suot namin bago natawa.

Para kasi kaming batang naka sakay sa flamingo.

"Let's take a picture." She said and pull me closer to her. Ngumuti naman ako at nag peace sign sa camera.

After a few shots ay naisipan na naming mag bihis ng normal at bilhin yung mga costume.

Napag usapan kasi naming lahat na inflatable costumes nalang ang bilhin para daw friendship goals.

"Are you tired?" Miss Honey asked. Umiling iling naman ako sa kaniya.

"Okay then, libotin muna natin 'tong souvenir stores. Baka may mahanap tayong magagandang pang souvenir." She said and I agree.

Una kaming pumasok sa mga gawaan ng bracelets at nag tingin tingin.

"Wow..look at this one Mon chou." Pag tawag sa akin ni Ma'am habang naka turo dun sa bracelet na naka lagay sa loob ng glass.

"Is this a real pearl po ba?" Tanong nito sa lalaking nag titinda.

"Oo iha totoong perlas iyan." Sagot nung lalaki at inilabas yung bracelet para makita daw namin ng ayos.

"Cool..meron pa po bang isa pang ganito yung design?" Muli nitong tanong.

"Meron..kukuhanin ko lang sa likod." Sagot nung lalaki at umalis para kunin daw yung pearls.

"Bibilhin mo po Ma'am?" I asked Miss Honey.

"Yup. It's lovely." She said while smiling.

Bumalik na yung lalaki at iniabot kay Miss Honey yung isa pang bracelet.

Namamangha ko din itong tiningnan. Simple lang naman ito. Kulay black yung pearls tapos may gold na shapes ng mag seashells sa paligid.

"Totoo din po ba pati itong gold na seashells?" Tanong ko kay Kuya.

"Yes po Ma'am totoo po iyang lahat." Naka ngiting pag sagot ni Kuya.

"Mag kano naman po 'to kuya?"

"Tag 15k lang po ang isa Ma'am." Sagot nung lalaki kaya nanlaki ang mata ko.

Shuta ang mahal naman.

"I'll take both of it." Mas nanlaki ang mata ko ng bilhin yun ni Ma'am. Inilabas niya ang card niya at agad na binayaran yun.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon