Chapter Fifty Four

18.7K 745 490
                                    

Yves's pov




"Ikaw pala yan Yves, namiss ka namin." Saad ni Tita Minerva na halata naman sa tono na nang aasar, pero imbes na mapikon ako ay nanatili akong nakasalampak sa sahig at hindi makapaniwalang nakatingin lang sa kanila.

"Y-You're still a-alive?" Bigkas ko sa unang tanong na pumasok sa utak ko.

"Bakit? Mukha ba kaming patay sa paningin mo?" Tanong din ni Tito imbes na sagotin ang tanong ko.

"I heard the gunshot that night... kung hindi kayo yun then who was shot?" I asked again while looking at both of them.

"Hmm.. sino nga ba? Ahh. Naalala ko na. Yung taong bida bida na gustong sumagip sa inyo ni Yuan." Sagot ni Tita Minerva at tumawa na akala mo'y nababaliw na siya.

Tumigil siya sa lag tawa at ngumisi sa akin. "Kung gusto mong malaman kung sino siya edi itanong mo ka--"

"Minerva! Kaya tayo nalilintekan dahil sa bunganga mo eh!" Agad na saway ni Tito sa asawa niya kaya napatigil ito sa pag sasalita.

"Tara na nga! Nag sasayang nanaman tayo ng oras sa babaeng yan, gutom na ako." Saad pa nito bago nag lakad papalayo hila hila ang asawa niyang demonya.

"Teka sandali!" Tawag ko sa kanila at hinablot ang kamay ng kung sino sa kanila para pigilan sila sa pag alis.

"Ano ba!?" Sigaw ni Tito ng siya pala ang mahawakan ko. Inambahan niya ako ng suntok kaya napa pikit ako.

"Is this man bothering you Yves?" Rinig kong tanong ng boses lalaki kaya agad akong nag mulat.

It was Damian. Nasa harapan ko siya at hinaharangan niya sila Tito na makalapit sa akin.

"N-No.." Bulong kong sagot dahil ramdam ko ang mabilis na kabog ng puso ko.

Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Yung parang may mangyayari na kakaiba na hindi ko maipaliwanag kung ano.

"Sigurado ka ba?" Paninigurado ni Damian na siyang ikinatango ko lang.

"Good. Let's go then." Saad nito at sinamaan ng tingin sila Tito bago ako inalalayan palayo sa kanila.

"Yves? Oh my God you're shivering, what happened?" Salubong sa akin ng mga kaibigan ko.

Walang salita lang naman akong yumakap sa kanila.

"Damian, anong nangyari?" I heard Keoni asked Damian.

"Nothing to worry about Miss Santiago. Everything is fine now. Yves is just in shock."

"In shock? Why? Did something really happen?" Pag tatanong naman ni Mon habang hinahaplos haplos ang likod ko.

"I can't tell you Miss Laurel without Miss Keller's pemission. Mas mabuti din po siguro na siya nalang ang tanungin niyo tungkol dun."

Pinunasan ko naman ang luha ko bago kumalas sa yakap at pilit na ngumiti sa kanila. "Ayos lang ako. Namiss ko lang si Yuan."

"Are you sure?" Hindi naniniwalang tanong sa akin ni Mon. Nilawakan ko ang peke kong ngiti at tumango tango sa kaniya. "Can we go home now? Wala na ako sa mood mag shopping ngayon eh."

Nag katinginan naman silang dalawa at sabay na napabuntong hininga. "Okay, let's go home."

Walang imik kaming tatlo na nag lakad papunta sa parking lot habang nakasunod lang si Damian sa amin na hindi ko alam na nakamasid pala sa lahat ng kilos ko.

Well hindi na naman yung nakakagulat dahil sinabihan nanaman ako ni Naomi na mag babantay si Damian sa amin ni Yuan kasama ang ibang body guard na kinuha din niya.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon