Chapter Fifty Seven

17.3K 706 399
                                    

Yves's pov



"Wait, wait , wait... nalilito ako. Kung walang sinasabi si Yuan kay Naomi na kahit ano tungkol sa inyo paano niya nalaman yung mga bagay na yun?" Tanong ni Keoni at nag halumbaba sa harap ko.

Inirapan ko naman siya. "Inulit mo lang ang tanong ko kanina."

Nag kibit balikat naman siya at kinagat ang ibabang labi niya.

"What if pinaimbestigahan ka niya? Kaya niya nalaman ang lahat ng tungkol sa inyo." Turan ni Mon na kanina pang tahimik. Mukhang may malalim siyang iniisip dahil simula ng tinawagan ko sila at pinapunta dito sa bahay ay tahimik na siya.

"Hmm.. let's say na pinaimbestigahan niya nga ako pero we just met a few months ago, she couldn't possibly know about the things that Yuan and I did with my Mom... right? I mean.. Hindi naman siguro kasama ang mga kinakain namin or mga gawain namin sa investigation diba? Ang alam ko kasi mga importnanteng detalye lang ang nalalaman sa ganun."

"Well, it depends." Turan naman ni Keoni kaya napatingin ako sa kaniya.

"What do you mean?"

"I mean... depende yun sa nag papaimbestiga. Pwede niyang paimbestigahan ang kahit ano kahit ilang taon na ang nakalipas. Kahit ilang beses kang umihi sa isang araw pwede niyang malaman kung gugustuhin niya." She said and shrug.

"How?"

"The investigator will ask your close friends or relatives na nakakasalamuha mo sa pang araw araw to find out aboout those things." Si Mon ang sumagot at seryoso akong tiningnan. "So think of a person na nakakasalamuha niyo ng Mama mo at Yuan before."

"Baka yung impakta mong Tita or yung demonyo mong Tito." Keoni said and scoff. Tiningnan ko siya sandali at napaisip.

"It can't be one of them. Hindi ko pa sila kilala nung buhay pa si Mama, they suddenly appeared when Mama died. Wala din kaming ibang kaibigan nun na malapit talaga sa amin. It's just me, Yuan, Mama and..." Napatigil ako at napatingin sa kanila.

"Kyline..." The three of us said in unison with the same look on our faces.

Agad akong tumayo at nag lakad papalayo sa kanila.

"Where are you going!?" Rinig kong sigaw ni Monique. Nilingon ko siya at sumagot. "To find fucking Kyline Fernandez!"

"Hoy kalma lang! Intay samahan ka namin!" Rinig kong pag pigil naman ni Keoni sa akin pero hindi ako nakinig.

Nag mamadali akong lumabas ng mall at pumara ng Taxi. Buti nalang at walang ibang nag aabang ng taxi kaya madali akong nakasakay. Sinabi ko ang address ng school at sinabihan ang driver na pakidalian dahil emergency.

Ilang minuto lang ay nakadating na kami sa school ko, medyo malapit lang naman kasi talaga iyon sa mall.

Nag bayad ako at bumaba ng taxi at agad na tumakbo papasok ulit ng school. Ala una na kaya wala na masyadong students ang nag lalakad sa hallway, mangilan ngilan nalang. Sila ata yung may mga vacant ng ganitong oras or hindi kaya ay nag cucutting classes.

Dumiretso ako sa room kung saan ang first subject ni Miss Cleomonte sa afternoon dahil for sure ay andun si Kyline dahil siya ang substitute ni Naomi. Nasa may fourth floor pa yun pero wala akong pakealam at patuloy lang sa pag takbo papunta doon.

"Hey! No running!" Rinig kong saway sa akin ng kung sino pero hindi ko iyon pinansin hanggang sa makadating ako sa room na hinahanap ko.

Hindi na ako kumatok at basta ko nalang binuksan ang saradong pintuan ng classroom.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon