Chapter Fifty Five

18.4K 700 193
                                    

Yves's pov



Nakangiti ako habang kumakaway kaway na naka tanaw kay Yuan na nag lalakad papasok ng school niya. Nag flying kiss pa siya bago tuluyang mawala sa paningin ko.

Nang masigurado ko na naka pasok na di Yuan sa school niya ay agad naman akong sumakay ng kotse at walang emosyong tumingin kay Damian.

"Susunduin ko po ba kayo mamaya, Miss Kell--"

"Can I ask a question?" Putol kong tanong sa kaniya.

Pinaandar niya ang sasakyan bago siya sumagot.

"Sure Miss Keller, pero hindi ko maipapangako na masasagot ko ang mga katanungan mo." Sagot nito sa akin na para bang alam na niyang mangyayari 'to.

Hindi kasi siya sumipot kahapon nung pinapunta ko siya dahil nag karoon daw ng emergency kaya ngayon lang ako mag kakaroon ng pag kakataon na kausapin siya.

Tiningnan ko siya ng seryoso. "What happened that night?"

"What night are you referring to, Miss Keller?" Sagot naman niya at diretso lang na nakatingin sa daan habang nag mamaneho.

"You know what night I was referring to," I said and raised my eyebrows at him.

Bahagya niya akong sinulyapan gamit ang salamin niya sa taas ng wala pading emosyon na makikita sa kaniyang mga mata.

"I don't know what you're talking about Miss Keller." He responds making me sigh.

"Please Damian. I really need to know kung anong nangyari ng gabing sinundan niya ako ni Miss Cleomonte sa bahay ng Tito ko, dahil litong lito na ako sa nangyayari kaya please... please just tell me." I plead. Kita kong napabuntong hininga siya bago umiling iling.

"I'm really sorry Miss Keller, gustuhin ko mang sabihin sa'yo kung anong nangyari ay hindi pupwede. Hindi ko pwedeng suwayin ang utos ni Miss Cleomonte." Sagot niya na ikina bilis ng tibok ng puso ko.

"So something did really happened that night na hindi ko alam..." Bulong ko pero alam kong rinig niya dahil may kung anong emosyon ang panandaliang makikita sa kaniyang mga mata bago ulit ito naging malamig.

"Lahat ng nangyayari ay para sa kaligtasan niyo ni Yuan. Iyan lang ang pwede kong sabihin sa iyo, Yves." Saad nito at itinigil sa parking lot ng school ko ang sasakyan. Nanatili akong tahimik at malalim ang iniisip.

What the fuck happened that night!?

Bakit ni isa walang makapag sabi sa akin?

"Baka malate kana sa klase mo Miss Keller." Pukaw sa akin ni Damian. Hindi ko napansin na pinag buksan niya pala ako ng pinto ng kotse habang naka lahad ang kamay.

Wala sa wisyo ko iyong tinanggap at lumabas ng kotse. Naka lutang ang aking isip ng bawiin ko ang kamay ko sa kaniya pero hindi niya iyon agad binitawan kaya kunot noo akong napatingin sa dito.

"Always be careful and please don't ever forget na lahat ng ginagawa niya ay para sa iyo.... para sa inyo." Makaluhugan nitong turan bago tuluyang binitawan ang kamay ko at pumasok na ulit sa sasakyan.

Naiwan akong nakatanaw sa sasakyan niyang papalayo sa kinatatayuan ko.

"Why is your face like that?" Tanong ng kung sino sa akin kaya nabaling ang atensyon ko sa kaniya.

"Where's Margaux?" Tanong ko imbes na sagutin ang siya. Napalitan naman ng pag aalala ang kaniyang muka. "Why? Did something happened?"

I shook my head. "Wala, I just need to talk to her."

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon