Chapter Fifty Six

16.9K 706 147
                                    

Yves's pov



Agad akong tumayo para lumabas ng classroom ng tumunog ang dissmisal bell.

"Miss Kelle--"

"Not now Miss Fernandez." Walang emosyon kong putol kay Kyline na nakatayo sa may pinto ng classroom namin. Mapang asar niya akong nginitian bago tumango tango.

"Some other time then, kapag wala ka ng importanteng gagawin." She said and wink at me.

Hindi ko nalang pinansin ang pang aasar niya at agad na nag lakad palabas ng gate ng school. I need to go home, kailangan ko pang i-excuse si Yuan sa school niya at mag handa ng konting gamit na dadalhin namin mamaya sa aming pag alis.

"Besh anong nangyari? Pineste ka nanaman ba ng ex mo?" Rinig kong tanong ni Mon na nakasunod sa akin.

"No." Tipid kong sagot sa kaniya.

"Then why do you seem so stressed?" Tanong naman ni Keoni habang nag lalakad patalikod sa may harapan ko para makita niya daw ang mukha ko. Gusto ko man siyang sawayin sa kaabnoyan niya pero pinili ko nalang manahimik dahil wala din ako sa mood mag saway sa kaniya.

I stopped walking causing them to stop walking too. Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti sa kanila.

"I'm fine guys. Thank you for checking if I'm okay. I'll see you both tomorrow." Saad ko at nag layo na papalayo sa kanila at hindi na inintay ang kung ano mang sasabihin or isasagot nila. Agad akong pumara ng taxi at sinabi ang address ng school ni Yuan.

Nakalimutan kong tawagan ang teacher niya para ipaalam na i-excuse ko siya kaya baka matagalan bago ko mapull out si Yuan sa klase niya ngayon.

Nang maka dating kami sa school ni Yuan ay agad akong nag bayad sa taxi kong sinakyan at lumabas ng sasakyan.

"Good afternoon po Miss Keller, napaaga po ata ang pag sundo niyo kay Yuan ah. Hindi ba po at mamaya pa ang dissmisal niya?" Nakangiti pero tila nag tatakang tanong sa akin nung guard sa school ni Yuan na naging ka close ko na.

"Opo mamaya pa pero need ko pong i-excuse si Yuan eh, may emergency lang." Sagot ko at bahagya siyang nginitian.

"Ahh.. Ganun po ba Ma'am. Sana po maayos na agad kung anong emergency man po yun. Mag iingat po kayo ni Yuan." The kind guard said and smile genuinely at me. Tumango nalang ako sa kaniya at nag paalam na papasok na para sunduin si Yuan.

Mabilis akong nag tungo sa classroom ni Yuan. Naabutan ko pang nag tuturo yung teacher niya. Wala pa kasing alas dose kaya hindi pa nila lunch break.

"Excuse me po Ma'am." Pag katok ko sa pintuan kahit bukas naman yun para kunin ang atensyon ng teacher ni Yuan. Napatigil siya sa pag tuturo at lumapit sa akin.

"Good afternoon po Ma'am, gusto ko lang po sanang I-excuse si Yuan kung pwede. May emergency lang po, pasensya na po sa pang aabala ko sa pag tuturo niyo." Magalang kong saad sa kaniya.

"It's okay Miss Keller. Let me just get Yuan for you." Nakangiti niya namang sagot sa akin. Nag lakad siya papunta sa upuan ni Yuan. I expect na maguguluhan siya kung bakit ko siya ineexcuse but he seems very calm.

"Here you go." Pag aabot nito sa akin ng bag ni Yuan. "Usually kailangan ko ng dissmisal pass para idissmis si Yuan pero mukang nag mamadali kayo at ilang minutes nalang ay lunch break na din kaya I'll let this one pass nalan muna. Mag iingat kayong dalawa."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng teacher ni Yuan dahil totoong nag mamadali talaga kami. Medyo malayo ang byahe sa pupuntahan namin kaya kailangan naming mag madali para makarating kami dun bago mag gabi.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon