Chapter Ten

31.4K 1.3K 1K
                                    

Yves's pov



Pawis na pawis akong lumabas ng banyo sa loob ng office ni Miss Cleomonte.

Inutusan niya lang naman akong patasin ang lahat ng folders alphabetically. Kala ko pa naman konti lang tapos shutang ina tatlong box pala yung papatasin ko. Kaya ata ayaw niya akong pag trabahoin para may utusan siya dito sa school. Hindi naman ako nag rereklamo kasi alam kong part ito ng pagiging slave ko.

"All done na po Ma'am." I said and sigh habang pinupunasan ang leeg ko ng panyo na dala ko.

Tiningnan niya ako saglit at tinanguan lang.

"May iuutos pa po ba kayo Ma'am?" Tanong ko at tiningnan ang relo ko. Mag aalas dos na din pala. Ang tagal ko naman nag patas jusko.

"Wala na. There's a clean shirt in my car, get it." Utos nitong muli.

Adik ba 'to si Ma'am? Wala na daw siyang iuutos pero nang utos ulit.

She tossed me her car key at muntik ko na yung hindi masalo kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"What? It's not my fault that you can't catch it." She said and rolled her eyes at me. Hindi ko nalang siya sinagot at lumabas nalang ng opisina niya para kunin yung damit na sinasabi niya.

"Whatcha doin'?"

"Lintek!" Gulat kong turan ng may biglang mag salita sa may likod ko.

"Hahaha, sorry sinadya. Ano ba kasing ginagawa mo diyan?" Tatawa tawang tanong ni Keoni.

Walang gana ko naman siyang tiningnan. "Sa tingin mo anong ginagawa ko aber?"

"Ahm.. nag susulat!" Sagot nito at tumawa nanaman.

"Abnormal ka, lubayan mo ako." Pag tataboy ko sa kaniya at sinarado ang kotse ni Miss Cleomonte ng makuha ko na ang damit na sinasabi niya.

"Teka kotse yun ni Miss Cleomonte diba? May inuutos siya sayo?" Tanong nanaman nito kaya napairap ako.

"Hindi Keoni, nag nanakaw ako sa kaniya kaya nga dala ko susi niya eh kasi ninakaw ko."

"Ayy hala talaga ba?" Kunyare nitong tanong ulit kaya inis ko siyang binalingan ng tingin.

"Wala ka bang klase at ako ang ginugulo mo?"

"Wala, actually iniintay ko nga si Mon eh. Ikaw ba? Diba may work ka? Why are you still here then?" Kunot noo nitong tanong at sinabayan akong mag lakad pabalik sa office ni Ma'am.

"Ahh..day off ko." I lied. She seems to believe me naman at tumango tango lang.

"Edi pwede ka palang sumama sa amin mamaya sa pag gala?"

"Hmm. Pag iisipan ko, check ko muna kung wala na akong gagawin tapos sabihan ko kayo. Okay?" Sagot ko sa kaniya. Sinagot lang ako nito ng okay.

Sakto namang nasa tapat na kami ng office ni Ma'am kaya nag paalam na ako at sinabing may inuutos pang iba si Ma'am sa akin.

Tumango naman ito at ngumiti ng pang asar sa akin. "Gusto mo white flower? Baka himatayin ka sa loob."

"Gusto mo ikaw himatayin pag sinapak kita?" Balik tanong ko sa abnormal na tumawa lang at iniwan na akong mag isa.

Pumasok na ako sa office ni Ma'am ng walang katok katok. Bahala siya, sobrang init kaya tapos medyo malayo yung parking ng school sa office niya. Nakaka pagod mga beh.

"Ito po Ma'a--"

"Change your shirt. Basang basa ka ng pawis." Utos nito kaya lihim akong napangiti.

"Concern ka sa'kin Ma'am?" Pang aasar ko na siyang ikinairap niya.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon