Chapter Six

28.4K 1.4K 656
                                    

Yves's pov



"Parang awa mo na Kuya.. bitawan mo na po ako. May importante lang po talaga akong pupuntahan." Halos mangiyak ngiyak ko ng pakiusap sa lalaking kasama ni Miss Cleomonte kanina. Tumakbo kasi ako ng maka pasok na kami sa VIP room kaya hinabol ako nito.

"Ako ang malalagot kay Ma'am kapag ginawa ko iyon. Pasensya na, ginagawa ko lang ang trabaho ko." He said and smiled apologetic at me.

Nanlumo naman ako sa isinagot niya. Alam kong malaki ang utang na loob ko kay Miss Cleomonte at masyadong makapal ang mukha ko para takbuhan siya pag katapos niya akong tulongan pero mas importante sa akin ngayon si Yuan. Baka kung ano ng ginagawa sa kaniya ni Tito ngayon.

I won't forgive myself if something bad happened to him.

"Let her go." Biglang sulpot ni Miss Cleomonte sa likod ng lalaki. Walang emosyong mababakas sa kaniyang mukha.

"Pero Ma'am paan--"

"I said let her go Damian." Pag uulit nito bago ako tinanguan na parang sinesenyasan na pwede na akong umalis. Hindi na naman ako nag dalawang isip at agad na tumakbo papalayo sa kanila ng bitawan ako ng lalaki.

Humanap agad ako ng taxi kahit wala naman akong ipang babayad para lang mapadali ang pag uwi ko.

Mabilis naman kaming naka rating sa bahay dahil madaling araw na din at wala ng masyadong traffic.

Binalot ako ng matinding kaba ng marinig ko ang iyak ni Yuan mula sa loob ng bahay. Lumabas agad ako at hindi pinansin ang pag tawag ni Kuyang Driver sa pangalan ko.

"Titaaaa! T-tama na po." Hagulgol nitong iyak ng maabutan ko siyang naka luhod sa may sala at pinapalo ni Tita Minerva.

"Tita! Sinabi kong pwede niyo akong saktan hangga't gusto niyo! Pero wag na wag niyong pag bubuhatan ng kamay ang kapatid ko!" Galit kong sigaw sa kaniya at itinulak siya palayo kay Yuan.

"A...A-Ate.." Punong puno ng luha ang mukha niya at sobrang pula ng kamay niya at tiyak na pati nadin ang pang-upo niya dahil sa hampas ni Tita Minerva ng belt sa kaniya.

"Halika na Yuan, tumayo ka na. Aalis na tayo dito." Utos ko kay Yuan. Agad naman siyang sumunod at niyakap ako bago umiyak nanaman.

"Aba! Matapang ka na!? Bakit saan kayo titira kapag lumayas kayo dito? Kaya niyo na bang buhayin ang sarili niyo?" Galit na sigaw ni Tita Minerva.

"Kaya kong buhayin ang sarili ko. Nagawa ko nga kayong buhayin sa loob ng ilang taon!" Sigaw ko pabalik sa kaniya. Wala na akong nararamdaman na takot kapag sinagot ko siya. They crossed the line, they lay a finger on Yuan and I hate them for it.

"Ginawa ko ang lahat ng utos niyo, nag paka alila ako. Hindi ako nag reklamo. Ang kaisa isang hiling ko lang ay wag niyong sasaktan ang kapatid ko pero ginawa niyo padin kaya pasensya na pero nawala na talaga ang respeto ko sayo." Malamig kong turan sa kaniya bago hinila si Yuan paakyat sa kwarto namin para mag impake ng gamit namin pero laking gulat ko ng kahit isang damit ay wala akong nakita sa cabinet.

"Anong hinahanap mo? Mga gamit niyo? Wala na, pinasunog ko na kay Minerva kanina." Nanlamig ako ng marinig ang boses niya.

"Walang aalis sa pamamahay na 'to Yves!" Sigaw nito at lumapit sa akin at sinuntok ako sa tiyan at sa muka. Napaluhod ako sa sakit at habol hiningang tumingin kay Yuan na ngayon ay nakatakip sa mata habang umiiyak.

Napadako ang tingin ni Tito sa kaniya kaya kinabahan ako. Lalapitan na sana niya ito ng sumigaw ako.

"Hindi na kami aalis! Wag mo lang saktan si Yuan! Mananatili kami dito basta wag mo lang siyang idamay!" Ngumisi naman siya sa'kin at muli akong sinipa sa tiyan bago lumabas at isarado ang pinto.

Miss Cleomonte's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon